Skip to main content

Full text of "A Brief Guide to Understanding Islam"

See other formats


Sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain 




Pangalawang Edisyon 
I. A. Ibrahim 

Salin sa Wikang Filipino ni: 
Muhammad Ameen C. Cave 



Mga Pangkalahatang 
Patnugot 

Dr. Willaim (Daoud) Peachy 

Michael (Abdul-Hakim) Thomas 

Tony (Abu-Khaliyl) Sylvester 

Idris Palmer 

Jamaal Zarabozo 

Ali AlTimimi 



Mga Patnugot ng 
Siyensiya 

Professor Harold Stewart Kuofi 

Professor F. A. State 

Professor Mahjoub O. Taha 

Professor Ahmad Allam 

Professor Salman Sultan 

Associate Professor H. O. Sindi 



ISCAfl.COM 

Wule SUCH, m art SnMuce of He PWHMlnu 



Islamic Information towards Understanding, 

Peace & Prosperity of our Nation 

ISCAG - CAVITE, PHILIPPINES 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



Karapatang M agpalathala 

(Copyright) © 2007 I. A. Abu-Harb. 

Ang lahat ng Karapatang Magpalathala ay nakalaan sa may-akda 
ng aklat na ito. Ang aklat na ito o anumang bahagi ng aklat na ito 
ay hindi maaaring ilimbag, ilathala o ibahagi sa anumang uri o 
pamamaraan, maging pang-electronic, mekanikal, kabilang din 
ang pagsipi sa pamamagitan ng Xerox, pagsasatunog-boses, at 
pagpapanitili sa anumang gamit na nag-iimbak at nagbibigay ng 
impormasyon na walang kasulatang pahintulot mula sa may akda, 
maliban lamang sa pinapahintulutang kalagayan na matatagpuan 
sa ibaba. 



Para sa Paglilimbag: 

Ilimbag o sipiin ang aklat na ito sa kondisyong walang gagawing 
anumang pagbabago, pagdaragdag at pagbabawas sa mga 
nilalaman nito at ito ay ipamamahagi nang libre. Makipag- 
ugnayan sa may-akda para sa libreng sipi ng aklat na ito sa 
computer para sa magandang uri ng imprenta. 



Ang web site at kabuuan ng aklat na ito, at marami 

pang 

mahahalagang impormasyon hinggil sa Islam ay matatagpuan sa 

www.islam-guide.com/tg 



Unang Edisyon - Unang Lathala 



ISBN:9960-57-191-2 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



MGA NILALAMA 



6 A NILALAMAN 



PAUNANG SALITA 



I Kabanata 1 

ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA 
KATOTOHANAN NG ISLAM 

(1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya sa Banal na Qur'an... 5 

A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao... 6 

B) Ang Qur'an Hinggil sa mga Bundok 11 

C) Ang Qur'an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan 14 

D) Ang Qur'an Hinggil sa Cerebrum (Utak) 16 

E) Ang Qur'an Hinggil sa mga Dagat at Hog 17 

F) Ang Qur'an Hinggil sa mga Malalim na Dagat at mga Panloob 

na Alon 20 

G) Ang Qur'an Hinggil sa mga Ulap 22 

H) Ang mga Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga 

Himalang nasa Qur'an 27 

(2) Ang Matinding Hamon na Lumikha ng Isang Kabanata 
na Katulad ng mga Kabanata ng Banal na Qur'an 32 

(3) Ang mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdating ni 
Muhammad ft, ang Propeta ng Islam 33 

(4) Ang mga Talata sa Qur'an na Bumanggit sa mga 
Pangyayari sa Hinaharap na Nagkatotoo 35 

(5)Mga Himala na Ginawa ni Propeta Muhammad it 36 

(6) Ang Simpleng Buhay ni Muhammad ft 37 

(7) Ang Pambihirang Pag-unlad ng Islam 40 

I Kabanata 2 I 

ILAN SA MGA PAKINABANG SA ISLAM 41 

(1) Ang Pintuan Patungo sa Walang-hanggang Paraiso 41 

(2) Kaligtasan Mula salmpiyerno 42 

(3) Ang Tunay na Kaligayahan at Kapayapaan ng Kalooban .. 43 

(4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Nakaraang Kasalanan .. 44 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



MGA NILALAMAN 



I Kabanata 3 

PANGKALAHATANG KAALAMAN TUNGKOL SA ISLAM 45 



Ano ang Islam? 45 

Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa 45 

1) Paniniwala sa Allah 45 

2) Paniniwala sa Pagkakaroon ng mga Anghel 47 

3) Paniniwala sa mga Aklat na Ipinahayag ng Allah 48 

4) Paniniwala samgaPropeta at Sugo ng Allah 48 

5) Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom 48 

6) Paniniwala sa Al-Qadar (Tadhana) 48 

Mayroon bang Ibang Banal (Kasulatan) na Pinagkukunan 

Maliban sa Qur'an? 49 

Mga Halimbawa ng mga Salawikain ni Propeta 

Muhammad §§ 49 

Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa Araw ng 

Paghuhukom? 50 

Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao? 52 

Ano ang Qur'an? 54 

Sino si Propeta Muhammad §§? 54 

Papaano Nakaapekto ang Paglaganap ng Islam sa Pag-unlad 

ng Siyensiya? 56 

Ano ang Paniniwala ng mga Muslim Hinggil kay Hesus?.. 57 

Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa Terorismo? 59 

Ang Mga Karapatan ng Tao at Katarungan sa Islam 61 

Ano ang Katayuan ng mga Kababaihan sa Islam? 63 

Ang Pamilya sa Islam 64 

Papaano Pinakikitunguhan ng mga Muslim ang Kanilang mga 

Matatanda? 64 

Ano ang Limang Haligi ng Islam? 65 

1) Ang Pagsaksi sa Pananampalataya 65 

2) Pagdarasal 66 

3) Pagbibigay ng Zakat (tulong sa mga Nangangailangan o Mahihirap).. 66 

4) Pag- aayuno (Fasting) sa Buwan ng Ramadan 67 

5) Ang Peregrinasyon (Paglakbay) saMakkah 67 

Para sa Karagdagang Impormasyon sa Islam 69 

Para sa mga Mungkahi at Komentaryo sa Aklat na ito 69 

Mga Reperensiya 70 

Ang Paglalagay ng mga Bilang ng mga Hadeeth 74 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 







I •y.^l!0fc.!0fl£flcf u! 






Wn 









Ang aklat na ito ay isang maikling paglalarawan ng pamamatnubay 
tungo sa pag-unawa sa Islam. Ito ay mayroon tatlong kabanata. 

Ang unang kabanata, "Ilan sa mga Patotoo Hinggil sa 
Katotohanan ng Islam," nagbibigay kasagutan sa ilang mahahalagang 
katanungan ng ilang mga tao. 

• Ang Qur'an ba ay totoong literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, 

na Kanya mismong ipinihayag? 

• Si Muhammad it 1 ba ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos? 

• Ang Islam ba ay tunay na relihiyon na mula sa Diyos? 

Sa kabanatang ito, anim na uri ng mga patotoo ang nabanggit: 

1) Ang mga Himalang makasiyensiya (makaagham) sa 
Banal na Qur'an: Ang bahaging ito ay tinalakay na (may 
paglalarawan) sa ilang makaagham 
na katotohanan na kailan lamanj 
natagpuan na naihayag sa Qur'an, 
labing-apat na dantaon na ang 
nakararaan. | 

2) Ang Matinding Hamon na Lu- 
mikha ng Isang Kabanata na 
Katulad ng mga Kabanata ng 
Banal na Qur'an: Sa Qur'an, 
hinamon ng Allah ang lahat ng 
sangkatauhan na gumawa ng 
katulad na kabanata na nasa 
Qur'an. Simula pa nang ihayag 
ang Qur'an, labing-apat na dan- 
taon na ang nakaraan, hanggang 
sa ngayon, walang sinuman ang 
nakatugon sa hamon na ito, kahit 
na sa pinakamaiksing kabanata ng Qur'an (Kabanata 
108) na mayroong 10 salita lamang. 





1 (M) - 'Salla Allahu Alaihi wa Sallaam', isang pangungusap sa wikang Arabik na ang kahulugan 
ay: 'Nawa'y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at iligtas siya sa anumang masama at 
paninira.' 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




3) 



4) 



5) 



6) 



Ang mga Hula sa Bibliya sa Pagdating ni Muhammad it, ang 

Propeta ng Islam: Sa bahaging ito ay tinalakay ang ilan sa mga 

Hula sa Bibliya sa pagdating ni Propeta Muhammad it. 

Ang mga Taludtod sa Qur'an na Bumanggit ng mga 

Pangyayari sa Hinaharap na Pagkatapos ay Nagkatotoo: 

Ang Qur'an ay bumanggit ng mga pangyayari sa hinaharap na 

pagkatapos ay nagkatotoo, halimbawa, ang pagwawagi ng mga 

Romano laban sa mga Persiyano. 

Mga Himala na Ginawa ni Propeta Muhammad it: Maraming 

mga himalang ginawa si Propeta Muhammad it. Ang mga himalang 

ito ay nasaksihan ng maraming tao. 

Ang Simpleng Buhay ni Muhammad it: Ito ay maliwanag na 

palatandaan na si Muhammad it ay hindi bulaang propeta na nag- 

angkin ng pagkapropeta upang magtamo ng materyal na mga 

bagay, kadakilaan o kaya'y kapangyarihan. 

Mula sa anim na uri ng mga patotoo, kami ay nagpapatibay na: 

• Ang Qur'an ay totoong literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na 
Kanya mismong ipinahayag. 

• Si Muhammad H ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos. 

• Ang Islam ay tunay na relihiyong mula sa Diyos. 

Kung ibig nating malaman kung ang isang relihiyon ay totoo o huwad, 
kinakailangang huwag tayong manangan sa ating mga damdamin, at 
mga emosyon o kaya'y mga kaugalian. Bagkus, tayo'y bumatay sa ating 
katwiran at karunungan. Nang isugo ng Diyos ang mga propeta, Kanyang 
sinuportahan sila sa pamamagitan ng mga himala at patotoong nagbigay 
katibayan na sila'y tunay na mga propetang isinugo ng Diyos, kaya't, ang 
relihiyong kanilang dinala ay totoo. 

Ang pangalawang kabanata, "Ang Hang mga Pakinabang sa Islam," 
ay nagbanggit ng ilang mga pakinabang na naibigay ng Islam sa mga tao, 
tulad ng: 

1) Ang Pintuan Patungo sa Walang-hanggang Paraiso 
Kaligtasan Mula sa Impiyerno. 
Tunay na Kaligayahan at Katiwasayang-loob. 
Kapatawaran sa Lahat ng mga Nakaraang Kasalanan. 

Ang pangatlong kabanata, "Ang Pangkalahatang Kaalaman Tungkol 
sa Islam," ay nagbigay ng pangkalahatang kaalaaman tungkol sa Islam, 
nagtuwid ng mga maling pala-palagay tungkol dito, at sumagot sa mga 
pangkaraniwang katanungan, tulad ng: 

• Ano ang sinasabi ng Islam hinggil sa terorismo? 

• Ano ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam? 



2) 
3) 
4) 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




(1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur'an 



Lji 



KABANATA 1 




Binigyang suporta ng Diyos ang Kanyang Huling Propeta na si 
Muhammad ft ng mga maraming himala at napakaraming patotoo na 
nagpapatunay na siya ay tunay na Propetang isinugo Niya. Gayundin, 
sinuportahan Niya ang Kanyang huling kapahayagan, ang Banal na 
Qur'an, ng maraming himala na nagpatunay na ang Qur'an ay tunay 
na literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na Kanyang ipinahayag, 
at hindi akda ng alinmang tao. Ang kabanatang ito ay nagtatalakay sa 
ilang mga patotoo. 

(1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya 
(makaagham) sa Banal na Qur'an 

Ang Qur'an ay literal na salita ng Diyos, na Kanyang ipinahayag 
sa Kanyang Propeta na si Muhammad ft sa pamamagitan ni anghel 
Gabriel. Isinaulo ito ni Muhammad ft at pagkatapos kanyang idinikta sa 
kanyang mga Kasamahan. Kanila ring isinaulo ito, isinulat at nirepaso 
na kaharap si Propeta Muhammad ft. Bukod pa rito, ay nirepaso ni 
Propeta Muhammad ft ang Qur'an sa harap 
ni angel Gabriel minsan tuwing isang taon 
at dalawang ulit sa huling yugto ng kanyang 
buhay. Simula pa nang maipahayag ang 
Qur'an hanggang sa ngayon, lagi nang 
mayroong malaking bilang ng mga 
Muslim ang nakapagsasaulo ng buong 
Qur'an, letra-por-letra. Ilan sa kanila ay 
nakayanang isaulo ang buong Qur'an sa 
gulang na sampung taon. Walang ni isa 
mang letra sa Qur'an ang nabago sa loob 
ng maraming siglo. ANG BANAL NA QUR , AN ^ 

Ang Qur'an na naipahayag may labing-apat na dantaon na 
ang nakaraan ay nagbanggit sa mga katotohanan na ngayon lamang 
natuklasan o napatunayan ng mga siyentipiko. 






A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao 





Ito ay nagpapatunay na walang pagduruda na ang Qur'an ay literal 
na salita ng Diyos na ipinahayag Niya kay Propeta Muhammad it at ito 
ay hindi akda ni Muhammad it o ng alinmang tao. Ito ay nagpapatunay 
din na si Muhammad #t ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos. 
Lumalagpas sa katwiran na ang isang taong nabuhay labing-apat na 
dantaon na ang nakaraan ay mapag-aalaman ang mga katotohanan 
na kailan lamang natuklasan o napatunayan sa pamamagitan ng 
makabagong mga gamit at modernong pamamaraan ng siyensiya. Ang 
ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod: 

A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa 
Sinapupunan ng Tao: 

Sa Banal na Qur'an, ang Allah ay nagsabi tungkol sa mga yugto 
sa paglaki ng bilig sa sinapupunan ng tao: 

4 Katiyakang nilikha Namin ang tao mula hinangong 
putik. Pagkatapos, ginawa Naming isang Nutfah 
(pinagsamang patak ng similya mula sa Make at babae) 
sa lugar ng panirahanan, mahigpit na nakakabit. 
Pagkatapos, ginawa Namin ang Nutfah na isang Alaqah 
( bagay na nakabitin at namuong dugo), pagkatapos ay 
ginawa Namin ang Alaqah na maging Mudghah (tulad 

sa isang nanguyang sangkap)....) 1 (Qur'an, 23:12-14) 



Sa literal na kahulugan sa salitang Arabik, ang alaqah ay 1) linta, 2) 
bagay na nakabitin, at 3) namuong dugo. 

Sa paghahambing ng linta sa bilig sa yugto ng alaqah, makikita 
natin ang pagkakatulad ng dalawa 2 , tulad ng makikita natin sa Larawan 
bilang 1. Gay on din ang bilig sa ganitong yugto ay kumukuha ng 
pagkain mula sa dugo ng ina na katulad ng isang lintang nabubuhay 
mula sa dugo ng iba. 3 

Ang pangalawang kahulugan ng alaqah ay "bagay na nakabitin". 
Ito ang makikita natin sa mga Larawan bilang 2 at 3, ang pagkabitin 
ng bilig sa yugto ng alaqah sa sinapupunan ng ina. 



1 Nawa'y isaisip na ang mga nakasulat sa loob ng espesyal (natatanging) panaklong { — ) sa aklat na 
ito ay salin lamang ng kahulugan ng Qur'an. Hindi ito ang tunay na Qur'an na nasa wikang Arabik. 

2 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 8. 

3 Ang Paglaki ng Tao na Inilarawan sa Qur'an at Sunnah (Human Development as Described in the 
Qur'an and Sunnah), Moore at mga iba pa, p. 36 




A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao 



ul 



A. Sanggol na tao 
sa sinapupunan 



pinutol na gilid ng amnion 



namumuong 
utak 



puso 




B. Linta 




Larawan 1: Mga larawang nagpapakita ng pagkakahawig sa pagitan ng linta 
at bilig ng tao sa yugto ng alaqah (pagkalinta). (Larawan na linta mula sa 
'Paglaki ng Tao (HumanDevelopment) na inilarawan sa Qur'an at Sunnah', 
Moore at mga iba pa, p. 37, inayos mula sa pinagsama-samang prinsipyo 
ng SOOLOHIYA, Sama-samang Prinsipyo sa Soolohiya (Integrated Principles 
of Zoology), ni Hickman at mga iba pa. Ang larawan na bilig mula sa 'Ang 
Lumalaking Tao' (Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 73. 



Larawan 2: Makikita 
natin dito sa larawang- 
guhit ang pagkakabitin 
ng bilig sa yugtong 
alaqah (pagkalinta) sa 
sinapupunan ng ina. 
'Ang Lumalaking Tao' 
(TheDevelopingHuman), 
Moore and Persaud, ika- 
5 ed., p. 66. 




kaha na 
cytotrophoblastic 



tertiary 
villus 



puwang na 
intervillous 



dugo ng ina 

sinusoid 
ng ina 



^^Ml^€ 



Larawan 3:Salarawangito (photomicrograph), 
ay makikita natin ang pagkabitin ng bilig 
(marka B) sa yugto ng alaqah (pagkalinta) 
mga 15 araw ang gulang) sa sinapupunan 
ng ina. Ang sukat ng laki ng bilig ay mga 0.6 
mm. 'Ang Lumalaking Tao' (The Developing 
Human), Moore ika-3 ed. mula sa p. 66 mula 
sa Histolohiya (Histology), Leeson at Leeson. 







A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao 




Ang pangatlong kahulugan ng alaqah ay "namuong dugo". 
Makikita natin na ang panlabas na anyo ng bilig at ang kanyang 
ayos sa yugto ng alaqah (pagkalinta o namumuong dugo) ay katulad 
nga ng namumuong dugo. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng maraming 
dugo sa bilig sa yugtong ito 1 , tingnan ang larawan bilang 4. Gayon 
din sa yugtong ito, ang dugo sa bilig ay hindi dumadaloy (kumakalat) 
hanggang sa katapusan ng ikatlong linggo 2 . Kaya nga ang bilig sa 
yugtong ito ay natutulad sa namumuong dugo. 



Larawan bilang4: Larawang- 
guhit ng primitibongsistema 
ng cardiovascular sa bilig sa 
panahon ng alaqah. Ang 
panlabas na anyo ng bilig at 
ang kanyang ayos ay katulad 
ng isang namumuong dugo, 
dahil sa pagkakaroon ng 
maraming dugo sa bilig. 
'Ang Lumalaking Tao' (The 
Developing Human), Moore, 
ika-5 ed. p. 65. 



pang-likod na papasok na ugat sa pagitan ng dugtugan 

pang-harap na palabas 
na ugat na cardinal 

mga tubo 

ng puso 



tertiary villus 



palabas na 
ugat na 

vitelline 




chorion 



papasok na ugat na vitelline 
mga ugatan sa yolk sac 



Samakatuwid, ang tatlong kahulugan ng salitang alaqah ay wastung- 
wastong tumutugon sa pagkakalarawan sa bilig sa yugto ng alaqah. 

Ang sumunod na yugtong nabanggit sa taludtod ng (Qur'an) ay 
ang yugtong mudghah. Ang kahulugan sa salitang Arabik na mudghah 
ay tulad ng isang nanguyang sangkap. Kapag ang isang tao ay kumuha 
ng isang pirasong chewing gum at nginuya ito sa kanyang bunganga at 
pagkatapos ay inihambing sa bilig sa yugto ng mudghah, maipapalagay 
natin na ito'y tulad sa isang nanguyang sangkap. Ito ay dahil sa marka 
sa likod ng bilig bilang tanda na may pagkakapareho sa pinagdaanan 
ng ngipin sa isang nanguyang sangkap 3 . (Tingnan ang larawan bilang 
5 at 6) 

Papaanong nalaman ni Muhammad it ang lahat ng ito, may labing- 
apat na raang taon na ang nakararaan, samantalang kailan lamang 
natuklasan ng mga siyentipiko ang mga bagay na ito sa pamamagitan 
ng mga makabagong kagamitan at mabibisang mikroskopyo na hindi 
pa noon umiiral sa nasabing panahon? Sina Hamm Leeuwenhoek, ang 



1 Ang Paglaki ng Tao (Human Development) sa pagsasalarawan ng Qur'an at Sunnah, Moore at 
ibapa, pp. 37-38. 

2 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 65. 

3 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 8. 




A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao 



Q 9J 



Larawan bilang 5: Larawan 
ng bilig sa yugto na 
mudghah (28 araw na 
gulang). Ang bilig sa 

ganitong yugto ay nagiging 
tulad ng isang nginuyang 
sangkap, dahil sa markang 
tanda sa likod ng bilig 
katulad ng pinagdaanan ng 
ngipin sa isang nanguyang 
sangkap. Ang aktuwal 
na laki ng bilig ay 4 mm. 
'Ang Lumalaking Tao' (The 
Developing Human), Moore 
at Persaud, ika-5 ed., p. 
82. mula kay Professor 
Hideo Nishimura, Kyoto, 
Unibersidad ng Kyoto, 
Japan) 



Larawan bilang 6: Sa 

paghahambing sa bilig sa 
yugtong mudghah sa isang 
nanguyang chewing gum, 
mapapansin natin ang 
pagkakatulad ng dalawa. 

A) Larawan ng bilig sa 
yugtong mudghah., 
makikita natin ang marka 
sa likod ng bilig na katulad 
ng pinagdaanan ng ngipin, 
'Ang Lumalaking Tao' {The 
Developing Human), Moore 
at Persaud, ika-5 ed., p. 79. 

B) Larawan ng isang 
chewing gum pagkatapos 
na manguya. 




A. Sanggol sa sinapupunan 

Ukang Otic ikatlong arkong 



arkong mandibular 



umbok ng 
namumong utak 



arkong hyoid 



buntot 




branchial 



_L Aktwal na sukat 



B.Gum 



26 ± laraw 






ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





10 



A) Ang Qur'an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao 




unang siyentipiko na nakapuna sa selula (selula ng tao) (spermatozoa) 
gamit ang espesyal na mikroskopyo noong 1677 (mahigit-kumulang na 
1000 taon pagkaraan ni Muhammad it. Sila ay maling nag-akala na ang 
bilig ay may lamang maliit na nabuong tao na lumalaki kapag nailagay 
na sa ari ng babae 1 

Si Professor Emeritus (Professor na retirado nguni't taglay pa rin 
ang titulo) Keith L. Moore ay isa sa mga pinakakilalang siyentipiko sa 
mundo sa larangan ng anatomiya at pag-aaral ng bilig at may-akda ng 
aklat na pinamagatang, 'Ang Lumalaking Tao' (Developing Human), na 
isinalin sa 8 wika. Ang aklat na ito ay isang siyentipikong babasihan at 
pinili ng espesyal na lupon sa Estados Unidos bilang pinakamahusay na 
aklat na akda ng iisang tao. Si Dr. Keith Moore ay Professor Emeritus 
sa Anatomiya at Biyolohiya ng Selula (Anatomy and Cell Biology) 
sa Unibersidad ng Toronto, sa Toronto, Canada. Siya doon ay isang 
Kasamang Dekano ng Mga Pangunahing Siyensiya (Associate Dean of 
Basic Sciences) sa mga nagtuturo ng medisina at walong taong naging 
tagapangulo ng departamento ng Anatomiya. Noong taong 1984, siya ay 
ginawaran ng pinakatanyag na gantimpala sa larangan ng Anatomiya sa 
Canada, ang J.C.B. Grant Award mula sa Lupon ng mga Anatomiyo sa 
Canada. Pinangasiwaan niya ang maraming mga Pandaigdigang Samahan 
tulad ng Samahan ng mga Anatomistang Taga-Canada at Taga-Amerika 
at Kapisanan ng Nagkakaisang Biyolohikal ng mga Siyensiya (Canadian 
and American Association of Anatomists and Council of the Union of 
Bilogical Sciences). 

Noong taong 1981, sa panahon nang Ikapitong Komperensiya sa 
Medisina (Seventh MedicalConference) sa Dammam, Saudi Arabia, si 
Professor Moore ay nagsabi, "Isang malaking kagalakan para sa akin 
na makatulong sa pagbibigay ng kaliwanagan sa mga pangungusap sa 
Qur'an hinggil sa paglaki ng tao. Maliwanag para sa akin na ang mga 
pangungusap na ito ay galing kay Muhammad mula sa Diyos, sapagka't 
halos ang lahat ng kaalamang ito ay hindi natuklasan hanggang sa marami 
pang mga sumunod na siglo. Ito ay nagpapatunay sa akin na si Muhammad 
ay sugo ng Diyos." 2 

Sa gayon, si Professor Moore ay tinanong ng ganitong mga 
katanungan: Ito ba ay nangangahulugan na kayo ay naniniwala na ang 
Qur'an ay gawa ng Diyos? Siya ay sumagot, "Hindi mahirap para sa akin 



na tanggapm ito. 



"3 



Sa panahon nang isang kapulungan, si Professor Moore ay nagsabi 
"...Sapagka't ang pagyuyugto-yugto sa paglaki ng bilig ay masalimuot 
(mahirap unawain), dahil sa patuloy na pagbabago sa panahon ng paglaki, 
iminumungkahi na isang bagong sistema ng pagbubukod-bukod ay 

1 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika 5 ed. p. 9. 

2 Ang reperensiya sa pangungusap na ito ay 'Ito Ang Katotohanan' (This is the Truth). Video tape. 

3 Ito Ang Katotohanan (This is the Truth), video tape. 




B) Ang Qur'an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan) 



Mi 



maaaring mabuo sa paggamit ng mga terminong nababanggit sa Qur'an at 
Sunnah (kung ano ang sinabi ni Muhammad it, ginawa o pinahintulutan). 
Ang panukalang sistema ay payak (simple), malawak ang saklaw at 
tumutugma sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa bilig (embryological 
knowledge). Ang masusing pag-aaral sa Qur'an at Hadeeth (mga 
pinagkakatiwalang salin na ulat ng mga Kasamahan ni Propeta Muhammad 
It kung ano ang kanyang sinabi, ginawa o pinahintulutan) sa huling 4 na 
taon ay nag-ulat ng sistema para sa pagbubukod-bukod ng bilig ng tao na 
lubos na kahanga-hanga dahil ito ay naiulat noong ika-7 siglo pagkatapos 
sinugo si Hesus Kristo. Bagama't si Aristotle, ang nagtatag ng siyensiya sa 
pag-aaral ng bilig (science of embryology) mula sa kanyang pag-aaral sa 
itlog ng manok noong ikaapat na siglo, bago isinugo si Hesus Kristo, hindi 
siya nakapagbigay ng detalye tungkol sa mga yugto nito. Sa kaalaman 
mula sa kasaysayan sa pag-aaral sa bilig (embryology), kaunti lamang 
ang kaalaman hinggil sa pagyuyugto-yugto at pagbubukod-bukod ng bilig 
ng tao hanggang sa ikadalawampung siglo. Dahil dito, ang paglalarawan 
sa bilig ng tao sa Qur'an ay hindi nabatay sa kaalaman ng siyensiya sa 
ikapitong siglo. Ang makatwiran lamang na pagpapasiya ay: ang mga 
paglalarawan na naihayag kay Muhammad it ay nagmula sa Diyos. Wala 
siyang paraang malaman ang mga detalye nito sapagka't siya ay isang 
taong di-makabasa at di-makasulat at walang pagsasanay sa siyensiya. 1 

B) Ang Qur'an Hinggil sa mga Bundok 
(Kabundukan): 

Ang isang aklat na pinamagatang Daigdig (Earth) ay isang 
reperensiyang ginagamit sa maraming unibersidad sa mundo. Isa sa 
mga may-akda ay si Professor Emeritus (Professor na retirado nguni't 
taglay pa rin ang titulo) Frank Press. Siya ay tagapagpayo tungkol 
sa siyensiya sa dating Pangulong si Jimmy Carter at sa loob ng 
12 taon siya ay Pangulo ng Pambansang Akademiya ng Siyensiya 
(National Academy of Sciences), sa Washington, DC. Ang aklat niya 
ay nagtatalakay na ang mga kabundukan ay mayroong mga ugat sa 
ilalim ng lupa. 2 Ang mga ugat na ito ay malalim na nakabaon sa lupa, 
kaya ang mga bundok ay may hugis tulad din ng mga talasok (tingnan 
ang Larawan 7, 8 at 9). 

Ganito kung paano inilarawan ng Qur'an ang mga bundok (kabun- 
dukan). Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

4 Hindi ba Namin ginawa ang kalupaan na patag at ang 
mga bundok bilang mga talasok? } (Qur'an, 78:6-7) 



1 Ito ang Katotohanan (This is the Truth), video tape. 

2 Daigdig (Earth), Press at Siever, p. 435. Tingnan din ang Siyensiya ng Daigdig (Earth Science), 
Tarbuck at Lutgens, p. 157. 





B) Ang Qur'an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan) 




Larawan bilang 7: 

Ang mga bundok 
ay mayroong mga 
malalalim na ugat 
sa ilalim ng lupa. 
'Daigdig' {Earth), 
Press at Si ever, 
p. 413. 



Mga karag 




Mantle 



Sukat na pahalang hindi alinsunod sa iskala 




British Isles H. Alemanya 



Alps 



EurOpa Russian Platform C 



aucasus 




Larawan bilang 8: Larawang-guhit (Schematic section). Ang mga bundok, 
tulad ng mga talasok, ay may mga malalim na mga ugat na nakabaon sa lupa. 
Anatomiya ng Daigdig {Anatomy of the Earth), Cailleux, p. 220 



Hanay ng mga bundok 






Pagguho ng lupa 






r/V^A:v^/Vr/Vr/^/Vr/l--r/. Continental crust ^tltf^XT/^J 



Pagdeposito Taas ng dagat 



; Continental crust 



y^-Vv<\v sv.> 



\/\sAV^ 



- ,\ 



v-O 



/^/, 






Mantle 



//> 



Ugat ng bundok 



Larawan 9: Isa muling larawan na nagpapakita na ang mga bundok 
(kabundukan) ay katulad ng anyo ng mga talasok, dahil sa malalalim na mga 
ugat. 'Ang Siyensiya ng Daigdig' {Earth Science), Tarbuck at Lutgens. P. 158.) 



Ang makabagong siyensiya ng daigdig ay nagpatunay na ang mga 
kabundukan ay may mga ugat na malalalim sa loob ng lupa (tingnan ang 
larawan bilang 9) at ang mga ugat na ito ay umaabot nang makailang 




B) Ang Qur'an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan) 



13J 



ulit na lalim kaysa kanilang inaabot na taas sa kalupaan. 1 Kaya't, ang 
pinakaangkop na pagsasalarawan sa mga kabundukan sang-ayon sa 
ganitong impormasyon ay ang salitang "talasok," dahil halos lahat ng 
maayos na nakabaong mga talasok ay nakatago sa ilalim ng lupa. 

Ang kasaysayan sa siyensiya ay nagsasabi sa atin ng teoriya na 
ang mga kabundukan na mayroong malalim na mga ugat ay ipinakilala 
lamang noong 1865 ng Maharlikang Astronomiyo (Astronomer Royal) 
na si Sir George Airy. 2 

Ang mga kabundukan ay mayroong din mahalagang papel sa 
ikatatatag ng Daigdig. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ At Kanyang itinatag nang matibay ang mga 
kabundukan sa daigdig upang hindi sila umuga kasama 
ninyo... ) (Qur'an, 16:15) 

Gayon din, ang makabagong teoriya hinggil sa geolohiya (ang 
pagkakaayos ng buong kalupaan) ay naninindigan na ang mga 
kabundukan ay nagsisilbing tagapamalagi ng kalupaan. Ang kaalamang 
ito bilang tungkulin ng kabundukan na magpanatili ng lupa ay ngayon 
lamang naunawan dahil sa plate tectonics (pagkakaayos ng kalupaan) 
sa taong I960. 3 

Mayroon kayang nakaaalam sa panahon ni Propeta Muhammad 
It hinggil sa tunay na anyo ng kabundu- 
kan? Mayroon kayang nakaisip na ang 
malaking bundok na nakikita sa kanyang 
harapan ay aktuwal na nakabaon sa ilalim 
ng lupa at ito ay mayroong mga ugat tulad 
ng iginigiit ng mga siyentipiko? Ang 
makabagong geolohiya (kaalaman sa ge- 
olohiya) ay nagpapatunay sa katotohanan 
ng mga taludtod ng Qur'an. 





1 Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur'an (The Geological Concept of 
Mountains in the Qur'an), El-Naggar, p. 5). 

2 Daigdig (Earth), Press at Siever, p. 435. Tingnan din ang 'Ang Geolohikal na Konsepto ng mga 
Kabundukan sa Qur'an' (The Geological Concept of Mountains in the Qur'an), p 5. 

3 'Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur'an' (The Geological Concept of 
Mountains in the Qurr'an), p 5. 




ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





C) Ang Qur'an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan 





C) Ang Qur'an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan: 

Ang siyensiya sa makabagong kosmolohiya, sa pagsusubaybay 
at pagpapalagay (science of modern cosmology, observational and 
theoretical), ay maliwanag na nagtuturo na noong unang panahon, ang 
buong Sanlibutan ay isa lamang ulap na 'usok' (yaon ay, isang mainit at 
makapal na usok na parang gas na hindi nalalagusan ng liwanag 1 . Ito ay 
isa sa mga hindi mapabubulaanang prinsipyo ng makabagong kosmolo- 
hiya. Ang mga siyentipiko ay maaari na ngayong magmasid sa mga 
bagong bituin na nabubuo mula sa mga naiwan ng 'usok'. (Tingnan ang 
ika-10 at ika-11 larawan). Ang nagliliwanag na mga bituin na nakikita 
natin sa gabi ay para lamang katulad ng buong Sanlibutan, na ang mga 
iyon ay mga bagay na "usok". Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

4 At pagkatapos ay hinarap Niya ang langit nang ito ay 
isang usok... ) (Qur'an, 41:11) 

Dahil ang kalupaan at ang mga kalangitan sa itaas (ang araw, ang 
buwan, mga bituin, mga planeta, at mga iba pa.) ay nabuo mula sa 
parehong "usok", kami ay nagpapasiya na ang daigdig at ang kalangitan 
ay dating iisa. At mula sa "usok" sila ay nabuo at napaghiwalay sa isa't 
isa. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

4 Hindi ba't nababatid ng mga di-sumasampalataya na ang 
mga kalangitan at ang kalupaan ay dating magkasama, 

at pagkatapos Amin silang pinaghiwalay ?...") (Qur'an, 
21:30) 

Si Dr. Alfred Kroner ay isa sa mga kilalang Geolohiyano 
sa mundo. Siya ay Professor sa Geolohiya at Tagapangulo sa 
Departamento ng Geolohiya sa Institusyon ng Siyensiya sa Geolohiya, 
sa Unibersidad ng Johannes Gutenberg, Mainz Germany. Sinabi 
niya: "Sa pag-iisip kung saan galing si Muhammad #t, sa palagay 
ko ay napakaimposibleng mabatid niya ang mga bagay-bagay tulad 
sa pangkaraniwang pinanggalingan ng Sanlibutan sapagka't kailan 
lamang ito natuklasan ng mga siyentipiko, ilan taon lamang ang 
nakararaan sa pamamagitan ng nakalilito at makabagong pamamaraan 
ng teknolohiya, na ito nga ang pangyayari. 2 Sinabi rin niya: "Sinuman 
ang walang kaalaman sa mga bagay tungkol sa nuclear-pisika labing- 



1 Ang Unang mga Tatlong Minuto, Ang Makabagong Pananaw sa Simula ng Sansinukob (The 
First Three Minutes, A Modern View of the Origin of the Universe), Weinberg, pp. 94-105. 

2 Ang pinanggalingan ng komentaryong ito ay mula sa 'Ito Ang katotohanan' (This is the Truth) 
video tape. 




C) Ang Qur'an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan 



ji 



Larawan bilang 10: 

Ang isang bagong 
bituin na namumuo 
mula sa isang ulap 
na usok at alikabok 
(nebula), na isa sa mga 
naiwan ng "usok" na 
siyang pinagmulan ng 
sanlibutan. Ang Atlas 
ng Kalawakan (The 
Space Atlas), Heather 
at Henbest, p. 50) 





Larawan bilang 11: Ang lawa ng nebula ay isang ulap na binubuo ng usok 
at alikabok, ay umaabot sa 60-light years sa kaluwagan. Ito ay pinagagalaw 
sa pamamagitan ng ultraviolet radiation mula sa mainit na bituin na kailan 
lamang nabuo sa kanyang nasasaklaw na kabuuuan. 'Ang mga Kalawakan, 
Ang Pagsasaliksik sa Sanlibutan' (Horizons, Exploring the Universe), Seeds, 
plate 9, mula sa 'Asosasyon ng mga Unibersidad para sa Pagsisiyasat sa 
Astronomiya, Inc.' 





ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





D) Ang Qur'an Hinggil sa Cerebrum (Utak ng Tao) 





apat na siglo na ang nakararaan, sa aking palagay ay hindi matutuklasan 
ang mga ito sa kanyang pag-iisip lamang, halimbawa, ang kalupaan at 
ang mga kalangitan ay may iisang pinagmulan." 1 

D) Ang Qur'an Hinggil sa Cerebrum (Utak ng Tao): 

Sinabi ng Allah sa Qur'an tungkol sa isa sa mga masasamang 
(taong) hindi naniniwala at nagbabawal kay Propeta Muhammad it na 
manalangin sa Ka'aba. 

i Hindi! Kapag hindi siya tumigil, kukunin Namin siya 
sa pagitan ng kanyang naseyah (harapan ng ulo - noo), 
ang sinungaling at makasalanang naseyah (harap ng ulo 

- noo! > (Qur'an, 96:15-16) 

Bakit inilarawan ng Qur'an ang harapan ng ulo bilang sinungaling 
at makasalanan? Bakit hindi sinabi ng Qur'an ang tao ay sinungaling 
at makasalanan? Ano ang ugnayan sa pagitan ng harapan ng ulo at sa 
sinungaling at makasalanan? 

Kung ating titingnan ang bungo (ng tao) sa harapan ng ulo, 
matatagpuan natin ang harapang bahagi ng utak (cerebrum), (tingnan ang 
larawan bilang- 12). Ano nga ba ang sinasabi ng Pisyolohiya hinggil sa 
bahaging ito (utak)? Ang isang aklat na pinamagatang 'Mga Kailangan 
sa Anatomiya at Pisyolohiya' (Essentials of Anatomy & Physiology) 
ay nagsabi hinggil sa bahaging ito, "Ang paggaganyak at ang pag- 
iintindi sa panghinaharap upang magplano at magsimulang gumalaw 
ay nagmumula sa harapan ng ulo, ang pinakaharap na bahagi. Ito ang 
bahagi na tinawag na Association cortex... (Ang ibabaw na soson ng 
utak upang mapagkaisa)" 2 Gayundin sinasabi ng aklat: "Kaugnay ng 
pagkakasangkot nito sa paggaganyak (gagawin), ang harapang bahagi 
ay ipinapalagay na sentro ng gawain sa pananalakay. . .." 3 

Kaya ang bahaging ito ng utak ay siyang may kinalaman sa 
pagpaplano, paggaganyak, simula ng mabuting gawa at makasalanang 
pag-uugali at ito ang may pananagutan sa pagsasabi ng kasinungalingan 
at pagsasabi ng katotohanan. Kaya't tumpak lamang na isalarawan ang 
harap ng ulo bilang sinungaling at makasalanan kapag ang isang tao 
ay nagsinungaling at nagkasala gaya ng sinasabi ng Qur'an: "...Ang 
nagsisinungaling at makasalanang Naseyah (harapan ng ulo)!" 



1 Ito ang Katotohanan (This is the Truth) tape ng video. 

2 Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya (Essentials of Anatomy & Physiology), Seeley at iba 
pa, p. 21 1 . Gay on din tingnan ang Sistema ng Nerbiyos ng Tao (Human Nervous System), Noback 
atipapa, pp. 410-411. 

3 Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya (Essentials of Anatomy & Physiology), Seeley at 
iba pa, p. 211. 




E) Ang Qur'an Hinggil sa mga Dagat at mga Hog 



jj 



Pangunahing 
cortex sa 



Gitnang 

sulcus 



Lugar na 
premotor 



Pangunahing 
' somesthetic 



Lugar ng 
'panlasa 



Lugar na 
prefontal 



Lugar ng pananalitang 
paggalaw (Lugar na Broca) 




Lugar ng 
ugnayang 

somesthetic 



Lugar ng 

ugnayang 

paningin 



Cortex ng 
paningin 



Lugar ng pananalitang pandama 
(Lugar na Wernicke) 



Lugar ng ugnayang 
pandinig 



Pangunahing cortex 
sa pandinig 



Larawan bilang 12: Ang mga tungkulin ng iba't ibang bahagi ng kaliwang bahagi 
ng utak {cerebral cortex). Ang harapang bahagi ay matatagpuan sa harapang 
bahagi ng cerebral cortex. 'Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya' 
(Essentials of Anatomy & Physiology), Seeley at iba pa, p.210. 




Kailan lamang natuklasan ng mga siyentipiko ang mga tungkuling 
ito ng harapang bahagi ng ulo (utak), mga 60 na taon na ang nakaraan, 
sang-ayon kay Professor Keith L. Moore. 1 

E) Ang Qur'an Hinggil sa mga Dagat at mga Hog: 

Natuklasan ng makabagong siyensiya na mayroong halang sa 
pagitan ng dalawang magkaibang dagat sa lugar na kung saan sila ay 
nagsasalubong. Ang halang na ito ay naghahati sa dalawang dagat upang 
ang bawa't dagat ay magkaroon ng kanya-kanyang temperatura, alat at 
lapot. 2 Halimbawa, ang tubig ng dagat Mediterranean ay maligamgam, 
maalat at di-malapot kung ihambing sa tubig ng dagat Alantiko. Kapag 
ang dagat Mediterranean ay papasok sa dagat Atlantiko sa gilid ng 
ibabaw ng Gibraltar, ito ay uusod nang ilang daang kilometro sa lalim na 
1,000 metro kasama ang sariling ligamgam, alat at di-gaanong malapot 



1 Al-E'jaz al-Emy fee al-Niseyagh, The Scientific Miracles in the Front of the Head (Ang 
makasiyensiyang himala sa harapang bahagi ng ulo), Moore at mga iba pa, p. 41. 

2 Mga Prinsipyo ng Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Principles of Oceanography), Davis, pp. 92-93. 




ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





E) Ang Qur'an Hinggil sa mga Dagat at mga Hog 




nitong katangian. Ang tubig ng dagat Mediterranean ay nananatili sa 
ganitong lalim. 1 (Tingnan ang Larawan bilang 13). 




Karagatang Atlantiko 



Dagat Mediterranean 




Larawan bilang 13: Ang dagat Mediterranean habang ito ay pumapasok sa 
dagat Alantiko sa gilid ng ibabaw ng Gibraltar dala ang sariling ligamggam, alat 
at labnaw na katangian, dahil sa halang na nagbubukod sa kanila. Ang mga 
temperatura ay nasa sukat ng degrees Celsius (C). Heolohiya ng Karagatan 
(Marine Geology), Kuenen, p. 43. bahagyang pinalaki. 

Kahit na mayroong malaking alon, malakas na agos at pagpapalit 
sa pagbaba at pagtaas ng tubig (sa mga dagat at mga ilog), ang mga 
dagat ay hindi naghahalo o kaya'y lumalabag sa nasabing halang. 

Ang Banal na Qur'an ay nagbanggit na mayroong halang sa pagitan 
ng dalawang mga dagat na nagsasalubong at hindi nila nilalabag ang 
kanilang halang. Sinabi ng Allah: 

4 Binigyan Niya ng kalayaan ang dalawang dagat na 
magsalubong. Mayroong halang sa pagitan nila. Hindi 

nila ito nilalabag. ) (Qur'an, 55:19-29) 

Subali't nang sabihin ng Qur'an ang tungkol sa tagahati sa pagitan 
ng tabang at maalat na tubig, binanggit dito ang pagkakaroon ng "isang 
nagbabawal na partisyon" sa halang. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

i Siya yaong nagpalaya sa dalawang uri ng tubig, ang isa 
ay matamis at malinamnam at ang pangalawa ay maalat 
at mapait. At Siya ay gumawa sa pagitan nila ng halang 
at ng nagbabawal na partisyon ) (Qur'an, 25:33) 



1 Mga Prinsipyo ng Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Principles of Oceanography), Davis, p. 93. 




E) Ang Qur'an Hinggil sa mga Dagat at mga Hog 



19 1 



Maaaring mayroong magtanong, bakit binanggit ng Qur'an ang 
partisyon kung binabanggit ang halang sa pagitan ng tabang at maalat 
na tubig, nguni't hindi nito binanggit kung sinasabi ang halang sa 
pagitan ng dalawang dagat? 

Natuklasan sa makabagong siyensiya na sa mga wawa ng ilog na 
kung saan nagsasalubong ang tubig tabang at maalat, ang kalagayan ay 
kakaiba sa mga natatagpuan sa mga lugar na kung saan ang dalawang 
dagat ay nagsasalubong. Natuklasan na ang pagkakaiba ng tubig tabang 
sa tubig na maalat sa mga wawa ay ang 'pycnocline zone' kung saan 
ang lapot ng tubig ay may hangganan na naghihiwalay sa dalawang 
soson. 1 Ang partisyong ito (ang pook na pinaghihiwalayan) ay may 
magkaibang alat mula sa tubig tabang at tubig na maalat. 2 (Tingnan ang 
Larawan bilang 14). 



Estuary 



Ang Hiwalayan 
( (Lugar ng Paghiwalay) , 



Tubig-tabang 
(Hog) 




Tubig-alat 
(Dagat) 

7®® 



Pinaghalo ayon sa Pataas-baba 



Larawan bilang 14: Ang pahabang bahagi ng alat (bahagi bawa't libo %o) sa 
wawa ng ilog. Makikita natin dito ang partisyon (ang pook na pinaghihiwalayan) 
sa pagitan ngtubigtabangatalat. 'Panimulang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan' 
(Introductory Oceanography), Thurman, p. 301, na bahagyang pinalaki. 

Ang impormasyong ito ay kailan lamang natuklasan, pagkatapos 
na gumamit ng makabagong kagamitan upang sukatin ang temperatura, 
alat, lapot, laman na oxygen at atbp. Ang pangkaraniwang mata ay 
di-makakikita sa pagkakaiba ng dalawang dagat na nagsasalubong, 
bagkus, ito ay mapapansin na parang iisang dagat lamang. Gayon din, 
ang mata ng tao ay di-makakikita sa tatlong bagay sa partisyon ng tubig 
sa wawa: Ang tabang, maalat na tubig at ang partisyon (ang pook na 
pinaghihiwalayan) . 



1 Ang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 242. Tingnan din ang 'Panimulang 

Pag-aaral Tungkol sa Karagatan' (Introductory Oceanography), Thurman, pp. 300-301. 

2 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 244. Tingnan din ang 'Panimulang 
Pag-aaral Tungkol sa Karagatan' (Introductory Oceanography), Thurman, pp. 300-301. 







F) Ang Qur'an Hinggil sa Malalalim na Mga Dagat at Mga Panloob na Alon 



F) Ang Qur'an Hinggil sa Malalalim na Mga Dagat 
at Mga Panloob na Alon: 

Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

4 O kaya'y (ang kalagayan ng mga di-sumasampalataya) 
ay katulad ng kadiliman sa ilalim ng dagat. Natatakpan 
ng mga alon, sa ibabaw ay mga alon, sa itaas ay mga 
ulap. Mga kadilimang magkakapatong. Kung iunat ng 

tao ang kanyang kamay, hindi niya ito makikita... ) 
(Qur'an, 24:40) 

Ang taludtod na ito ay bumabanggit ng kadilimang matatagpuan sa 
ilalim ng mga dagat at mga karagatan na matatagpuan sa lalim na 200 
metro at sa ibaba pa. Sa lalim na ito, ay halos walang liwanag (Tingnan 
ang Larawan bilang 15). Sa bandang ibaba pa sa lalim na 1000 metro 
ay wala ni munting liwanag. 1 Hindi makakayanan ng mga tao na sum- 




Larawan bilang 15: Mula sa 3 hanggang 30 porsiyento ng liwanag- 
araw ay nagbabalik sa ibabaw ng tubig. Pagkatapos, halos lahat ng 
pitong kulay ng liwanag sa kabuuan ay hinihigop ng bawa't isa sa 
unang 200 metro na lalim, maliban sa kulay asul. Mga Karagatan 
{Oceans), Elder and Pernetta. P. 27. 



1 Mga Karagatan (Oceans), Elder at Pernetta, p. 27. 




F) Ang Qur'an Hinggil sa Malalalim na Mga Dagat at Mga Panloob na Alon 



21 1 



isid ng higit sa 40 metro na walang tulong ng submarine* o espesyal na 
kagamitan. Ang tao ay hindi mabubuhay na walang tulong sa malalim 
at madilim na bahagi ng mga karagatan tulad sa lalim na 200 metro. 

Kailan lamang natuklasan ito ng mga siyentipiko sa pamamagitan 
ng espesyal na kagamitan at mga submarino na tumulong sa kanila sa 
pagsisid sa ilalim ng mga karagatan. 

Mauunawan din natin ito mula sa sumusunod na pangungusap 
sa nakaraang taludtod, "...sa ilalim ng dagat. Natakpan ng mga alon, 
sa ibabaw ay mga alon, sa itaas ay mga ulap..." Na ang malalim na 
mga tubig ng mga dagat at karagatan ay natatakpan ng mga alon, at 
sa ibabaw ng mga alon ay iba pang mga alon. Maliwanag na ang pan- 
galawang pulutong ng mga alon ay yaong mga nasa ibabaw na nakikita 
natin, dahil nagbanggit ang taludtod na ang ibabaw ng pangalawang 
pulutong ng alon ay mayroong mga ulap. Subali't papaano yaong mga 
unang alon? Natuklasan ng mga siyentipiko kamakailan na mayroong 
mga panloob na mga alon na nangyayari sa pagpapalitan ng lapot sa 
pagitan ng mga soson ng magkakaibang lapot ng mga tubig). 1 (Tingnan 
ang Larawan bilang 16). 



Mga alon sa ibabaw 

/ 




Mas makapal 
na tubig 



Mga panloob na alon 



Bista 



Larawan bilang 16: Ang mga panloob na mga alon sa pagitan ng mga 
soson ng iba't ibang mga lapot ng mga tubig. Ang isa ay malapot (nasa 
ibaba) at ang isa ay malabnaw (nasa itaas). Pag-aaral Tungkol sa 
Karagatan (Oceaanography), Gross, p. 204. 



1 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 205. 





G) Ang Qur'an Hinggil sa mga Ulap 





Ang mga panloob na mga alon ay tinatakpan ng mga malalim 
na tubig ng mga dagat at mga karagatan sapagka't ang tubig sa ilalim ay 
may higit na lapot kaysa sa ibabaw nila. Ang mga panloob na mga alon 
ay gumagalaw tulad ng mga alon sa ibabaw ng tubig. Sila man ay may 
kalagayang madurog. Ang mga panloob na mga alon ay di-makikita ng 
mata ng tao, nguni't ito ay mapapansin sa pag-aaral ng pagbabago ng 
temperatura o alat sa naturang lugar. 1 

G) Ang Qur'an Hinggil sa mga Ulap: 

Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang mga iba't ibang uri ng mga 
ulap at kanilang napagtanto na ang ulap ng ulan ay nabubuo at nahuhu- 
gis sang-ayon sa mga tiyak na sistema at ilang mga hakbangin na may 
kaugnayan sa isang uri ng hangin at mga ulap. 

Isa sa mga uri ng ulap ng ulan ay ang cumulonimbus na ulap. 
Pinag-aralan ng mga nag-aaral hinggil sa panahon (Meteorology) kung 
papaano nabubuo ang cumulonimbus na ulap at kung paano sila naka- 
gagawa ng ulan, ulan na may yelo o malakas na ulan, at kidlat. 

Natuklasan nila na ang cumulonimbus na ulap ay dumaraan sa 
sumusunod na mga hakbang upang makagawa ng ulan: 

1) Ang mga ulap ay itinutulak ng hangin. Ang cumulonimbus na 
ulap ay magsisimulang mabuo kapag ang ilan sa maliliit na mga 
ulap (cumulus na mga ulap) ay itinutulak kung saan ang mga ito ay 
naiipon. (Tingnan ang mga Larawan bilang mga 17 at 18). 



Larawan bilang 17: 

Ang larawang kuha ng 
Satellite na nagpapakita 
ng mga gumagalaw 
na mga ulap patungo 
sa lugar kung saan 
naiipon B, C, at D. Ang 
mga (maliliit na sibat) 
ay nagtuturo sa dakong 
patutunguhan ng 

hangin. 'Ang Paggamit 
ng mga Larawang Kuha 
ng Satellite sa Pagsusuri 
at Pagsasabi Tungkol 
sa Lagay ng Panahon' 
{The Use of Satellite 
Pictures in Weather and 
Forcasting), Anderson 
at mga iba pa, p. 188 




BILIS NG TAKBO NG MGA 

MABABANG ULAP 

1948-2152 Z, SET 17, 1967 



1 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 205. 




G) Ang Qur'an Hinggil sa mga Ulap 



23j 




Larawan bilang 18: Maliliit na pirasong ulap (cumulus clouds) papunta sa pag- 
iipunang lugar na malapitsa itaas, kungsaan ay makikita natin ang malaking 
cumulonimbus na ulap. 'Mga ulap, Mga Bagyo' (Clouds and Storms), Ludman, 
plate 7.4.) 



2) 



Pagsasama-sama: Pagkatapos ang mga maliliit na ulap ay mag- 
sasama-samang mabuo upang maging malaking ulap 1 (Tingnan 
ang mga larawang 18 at 19). 



10 - 



s 8 



OJj 

s 
£ 4 



6 - 



2 - 



(A) Nakapahiwalay na cumulus stage 



Lumalaking stage 




;$*<£> ff$ 




Larawan bilang 19: (A) Nakahiwalay na maliliit na mga ulap (cumulus na ulap) 
(B) Kapag ang mga maliliit na ulap ay nagsama-sama, ang ihip ng hangin sa 
mas malaki pang ulap ay lalong lumalakas, kaya't, ang ulap ay naitataklas 
pataas. Ang maliliit na tulo ng tubig ay ipinakikita sa pamamagitan ng •. 'Ang 
Atmospera' {The Atmosphere), Anthes at mga iba pa, p. 269). 



1 Tingnan ang 'Ang Atmospera' (The Atmosphere), Anthes at iba pa, pp. 268-269 at tingnan din ang 'Mga 
Elemento ng Pag-aaral Tungkol sa Panahon' (Elements of Meteorology) Miller at Thompson, p. 141). 






G) Ang Qur'an Hinggil sa mga Ulap 




1) Pagtatalaksan: Kung ang mga maliliit na mga ulap ay magsasa- 
ma-sama, ang ihip ng hangin sa mas malaki pang ulap ay lalong 
lumalakas. Ang mga pataas na ihip ng hangin na malapit sa gitna 
ay mas malalakas kaysa nasa mga tabi. 1 Ang mga nasa ibabaw ang 
nagiging dahilan sa paglaki ng ulap na paitaas, kaya ang ulap ay 
natatalaksan. (Tingnan ang mga larawan bilang 19 (B), 20 at 21). 
Ang paitaas na paglaki ng kabuuan (katawan) ng ulap ay siyang 
sanhi upang ang buong ulap ay umabot sa higit na malamig na 
lugar ng atmospera, kung saan naman ang mga patak ng tubig at 
ulang may yelo ay nabubuo at nagsisimulang lumaki nang lumaki. 
Kapag ang mga patak ng tubig at ulang may yelo na ito ay naging 
napakabigat para sa mga paitas na mga ulap, ito ay magsisimulang 
bumagsak bilang ulan, o malakas na ulan, atbp. 2 



Larawan bilang 20: Ang cumulonimbus 
na ulap. Pagkatapos maitalaksan ang 
ulap, ang ulan ay nagmumula rito. 'Ang 
Panahon at Ang Lagay ng Panahon' 
(Weather and Climate), Bodin, p. 123. 



mga ice crystals 




Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ Hindi mo ba nakita na marahang pinauusad ng Allah 
ang mga ulap, at pagkatapos ay pinagsama-sama sila, at 
pagkatapos ay tinalaksan sila at pagkatapos makikita mo 
ang ulan ay nagmumula sa pagitan nila? ) (Qur'an, 24:43) 



Kailan lamang nalaman ng mga nag-aaral tungkol sa panahon 
ang mga detalye ng ulap hinggil sa pamumuo, kaanyuan at gawain 
sa pamamagitan ng makabagong kagamitan tulad ng mga sasakyang 



1 Ang mga hanging pataas sa sentro ay higit na malakas, sapagka't sila'y ligtas sa epekto ng lamig 
sa labas na bahagi ng ulap. 

2 Tingnan 'Ang Atmospera' (The Atmosphere), Anthes at mga iba pa, p. 269. At 'Mga Elemento ng 
Pag-aaral Tungkol sa Panahon' (Elements of Meteorology), Miller at Thompson, pp. 141-142. 




Larawan bilang 21: Ang Cumulonimbus na ulap. 'Ang Makukulay na gabay 
Tungkol sa mga Ulap' (A Colour Guide to Clouds), Scorer at Wexler, p. 23. 

panghimpapawid (eroplano at lobo), satellite, computer, at iba pang 
mga kagamitan, upang mapag-aralan ang hangin at ang direksiyon nito, 
masukat ang pagkahalumigmig (pagkaumido) at pagbabago-bago nito 
at upang malaman ang sukat at pagbabago ng puwersa ng atmospera. 1 

Ang susunod na taludtod, pagkatapos na banggitin ang ulap at ulan, 
ay nagsasabi tungkol sa ulang yelo at kidlat. 



...Siya ang nagpadala mula sa langit ng 
malakabundukang ulan na may yelo. Pinatatamaan 
ang anumang Kanyang naisin at iniiwas ito kaninuman 
Kanyang naisin. Ang liwanag ng kidlat nito (mga ulap) 
ay halos nakabubulag ng paningin ) (Qur'an, 24:43) 



Natuklasan ng mga nag-aaral tungkol sa panahon na ang mga cu- 
mulonimbus na ulap na magpapaulan ng ulang may yelo ay umaabot sa 
taas na 25,000 hanggang sa 30,000 talampakan. (4.7 to 5.7 milya) 2 , tu- 
lad ng mga bundok, gaya ng sinabi sa Qur'an, "...Siya ang nagpadala 
mula sa langit ng malakabundukang ulan na may yelo. Tingnan ang 
larawan bilang 21). 



1 Tingnan ang Ee'jaz al-Qur'an al-Kareemfee WasfAnwa' al-Riyah, al-Sohob, al-Matar, Makky 
at mga iba pa, p. 55. 

2 Mga Elemento ng Pag-aaral Tungkol sa Panahon (Elements of Meteorology), Miller at 
Thompson, pp. 141. 





G) Ang Qur'an Hinggil sa mga Ulap 





Ang taludtod ay maaaring makapagbigay ng isang katanungan. 
Bakit nagsabi ang taludtod ng "ang kidlat nito" hinggil sa reperensiya 
ng ulang may yelo? Ito ba ay nangangahulugan na ang ulang may yelo 
ang siyang pinakamalaking dahilan sa pagkakaroon ng kidlat? Tingnan 
natin kung ano ang sinasabi ng aklat na pinamagatang 'Ang Pag-aaral 
Ngayon Tungkol sa Panahon' (Meteorology Today). Sinasabi nito na 
ang ulap ay nagkakakoryente kapag ang ulang may yelo ay bumabagsak 
sa bahagi ng ulap na lubhang napakalamig at may mga yelong kristal. 
Kapag ang mga patak-patak na tubig ay nadidiit sa malayelong ulan, 
sila ay nagyeyelo rin, at nagpapakawala ng nakatagong init. Pinanana- 
tili nitong mas mainit ang ibabaw ng malayelong ulan kaysa sa naka- 
paligid na mga yelong kristal. Kapag ang malayelong ulan ay nadiit sa 
yelong kristal, isang mahalagang pangyayari ang nagaganap: ang mga 
electron ay dadaloy sa mas malamig na bagay patungo sa mas mainit 
na bagay. Kaya't, ang malayelong ulan 
ay magkakaroon ng negatibong kory- 
ente (negative current). Pareho ang 
mangyayari sa mga lubhang napaka- 
lamig na mga patak ng tubig kapag 
nadidiit sa mga malayelong ulan at 
mga maliliit na hiwa-hiwalay na 
nabasag na yelong may positibong 
koryente (positive current). Ang 
mga magagaan na bahaging ito na 
may positibong koryente ay dadal- 
hin ng hanging paitaas sa mataas na 
bahagi ng ulap. Ang mga ulang may 
yelo na naiwanan ng negatibong ko- 
ryente ay babagsak sa ilalim ng ulap, 
kaya ang bahaging ibaba ng buong 
ulap ay magkakaroon ng negatibong 
koryente. Ang negatibong koryente na ito 

ay ipinakakawala bilang kidlat. 1 Kaya't, ipinasiya namin na ang butil- 
butil na yelong ulan ang siyang pangunahing dahilan sa pagkakaroon 
ng kidlat. 

Ang impormasyong ito hinggil sa kidlat ay kailan lamang natukla- 
san. Hanggang sa taong 1600 A.D. nang ang opinyon ni Aristotle hing- 
gil sa pag-aaral sa panahon ang nangingibabaw. Halimbawa, sinabi niya 
na ang atmospera ay mayroong dalawang uri ng naibubugang (hangin), 
isang mahalumigmig at isang tuyo. Sinabi rin niya na ang kulog ay 
tunog ng tuyong pagbubuga sa paligid ng mga ulap, at ang kidlat ay 




1 Ang Pag-aaral Ngayon Tungkol sa Panahon (Meteorology Today), Ahrens, p. 437. 




H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur'an 



27 1 



isang pagliliyab sa pagsunog ng tuyong ibinubugang (hangin) na may 
manipis at bahagyang apoy. 1 (The Works of Aristotle Translated into 
English: Ang Pag-aaral Tungkol sa Panahon (Meteorologica), vol. 3, 
Ross and othes, pp. 369a-369b). Ito ang ilan sa mga idea hinggil sa 
pag-aaral sa panahon na nangingibabaw sa panahon na naipahayag ang 
Qur'an, mayroong labing-apat na dantaon na ang nakararaan. 

H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga 
Himalang nasa Qur'an: 

Ang mga sumusunod ay mga komentaryo ng mga siyentipiko hing- 
gil sa mga himalang nasasaad sa Qur'an. Ang lahat ng mga komentaryo 
ay mula sa video tape na pinamagatang Tto Ang Katotohanan' (This 
is the Truth). Makikita at maririnig ninyo sa video tape na ito ang mga 
siyentipiko habang nagsasabi ng mga sumusunod na komentaryo. (Para 
sa kopya ng video tape, mangyaring makipag-ugnay lamang sa isa sa 
mga samahang nakatala sa pahina 86). 

1) Si Dr. T.V.N. Persaud ay Professor ng Anatomiya, Professor 
ng Pediatrics at Kalusugan ng mga Bata, at Professor ng Obstetrics, 
Gynecology, at Siyensiya ng Panganganak sa Unibersidad ng Mani- 
toba, Winnipeg, Manitoba, Canada). Doon siya ay 16 na taong Pangulo 
ng Departamento ng Anatomiya. Siya ay kilalang-kilala sa larangang 
ito. Siya ay mangangatha at editor ng 22 aklat-aralin at lumathala ng 
mga 181 babasahing siyentipiko. Noong 1991, siya ay nakatanggap ng 
pinakamataas na parangal sa larangan ng Anatomiya sa Canada. Ang 
J.C.B. Grant Award mula sa Samahan ng mga Anatomista sa Canada 
(Canadian Association of Anatomists). Nang siya ay tanungin tungkol 
sa himala ng siyensiya na nasa Qur'an na kanyang sinaliksik, kanyang 
sinabi ang mga sumusunod: 

"Sa paraang naipaliwanag sa akin, si Muhammad ay isang pang- 
karaniwang tao lamang. Hindi siya makabasa at makasulat. Katunayan, 
siya ay isang mangmang. At tayo'y nagsasalita labindalawa (ang totoo 
ay labing-apat) na daang taon na ang nakararaan. Mayroon kayang 
isang mangmang na nagsabi ng mga pahayag at mga pangungusap na 
nakapagtatakang katotohanan tungkol sa mga bagay na may kinalaman 
sa siyensiya. At sa aking sarili, hindi ko nakikita na ito ay nagkataon 
lamang. Lubhang napakaraming katumpakan at katulad ni Dr. Moore, 
hindi ako nahihirapang isipin na ito ay banal na inspirasyon o kapahaya- 
gang nag-akay sa kanya sa ganitong mga pahayag." 



1 Ang mga Gawa ni Aristotle salin sa Ingles (The Works of Aristotle Translated into English): Ang 
Pag-aaral Tungkol sa Panahon, vol. 3, Ross at mga iba pa, pp. 369a-369b). 





H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur'an 





Isinama ni Professor Persaud ang ilang taludtod sa Qur'an at sa- 
lawikain ni Propeta Muhammad if sa kanyang mga sinulat na aklat. Kanya 
ring iniharap ang mga taludtod sa Qur'an at salawikain ni Propeta Muham- 
mad it sa ilang mga komperensiya. 

2) Si Dr. Joe Leigh Simpson ay Tagapangulo ng Departamento ng 
Obstetrics at Gynecology, Professor ng Obstetrics at Gynecology, at Profes- 
sor Tungkol sa Bahagi at Kenetikang Pantao sa Bayle, Kolehiyo ng Medisina 
(Chairman of the Department of Obstetrics and Gynecology, Professor of 
Obstetrics and Gynecology and Professor of Molecular and Human Genet- 
ics), Houston, Texas, USA. Dati siyang Professor sa Ob-Gyn at Tagapangulo 
ng Departamento ng Ob-Gyn sa Unibersidad ng Tennessee, sa Memphis, 
Tennessee, USA (Professor of Og-Gyn and Chairman of Ob-Gyn at the Uni- 
versity of Tennessee, Memphis, Tennessee, USA). Siya rin ay Presidente ng 
Samahan ng Pagpaparami ng Anak sa Amerika (American Fertility Society). 
Siya ay nakatanggap ng maraming parangal kasama ang parangal ng Ka- 
pisanan ng mga Professor sa Obstetrics at Gynecology sa Parangal sa Pag- 
kilala ng Publiko (Association of Professors of Obstetrics and Gynecology 
Public Recognition Award) na gantimpla noong taong 1992. Pinag-aralan ni 
Professor Simpson ang mga sumusunod na dalawang salawikain ni Propeta 
Muhammad S: 

{ Bawa't isa sa inyo, ang lahat ng bahagi ng inyong 
pagkakalikha ay tinipon sa loob ng sinapupunan ng inyong 
ina sa loob ng apatnapung araw... .} l 

{ Pagkatapos ng apatnapu't dalawang gabi sa bilig, 
magsusugo ang Diyos ng angel para rito, na maghuhubog at 
maglilikha ng pandinig, paningin, balat, laman at buto.... } 2 

Pinag-aralan niya ang dalawang salawikaing ito ni Propeta Muham- 
mad ft, at kanyang itinala na ang apatnapung araw ay maliwanag na 
mapagpapasiyahang kabuuan ng panahon ng embryo-genesis (simula ng 
bilig). Siya ay lubos na humanga sa ganap na kawastuhan at katiyakan ng 
mga salawikain ni Propeta Muhammad ft. At pagkatapos ng komperen- 
siya, siya ay nagbigay ng sumusunod na opinyon: 

"Kaya't, ang dalawang mga hadeeth (mga salawikain ni Propeta 
Muhammad ft na naitala ay nagbigay sa atin ng tiyak na panahon para 
sa pinakamahalagang embryolohikal na paglaki ng bilig bago umabot 
ng apatnapung araw. Muli, ang punto ay pinatibayan, sa aking pala- 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2643, at sa Saheeh Al-Bukhari, #3208. Tala: Ang nakasulat sa pagitan 
ng dalawang panaklong na ito { . . . } dito sa aklat ay salin mula sa mga salawikain ni Propeta 
Muhammad #f. Gayon din ang simbolo # na ginamit sa mga talababa, ay nagtuturo sa bilang ng 
hadeeth. Ang hadeeth ay maaasahang ulat ng mga Kasamahan ni Propeta Muhammad kung 
ano ang kanyang mga sinabi, ginawa at binigyan ng pahintulot. 

2 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2645. 




H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur'an 



29 1 



gay, na inulit ng ibang mga mananalumpati ng umagang ito: ang mga 
hadeeth na ito ay hindi basta puwedeng makamit buhat sa mga kaala- 
man ng siyensiya (sa panahon) ng kanilang pagkakasulat.... Susunod 
dito, sa aking palagay, ay hindi lamang walang pagkakasalungatan sa 
pagitan ng kenetika ( Simula ng paglaki ng bilig) at relihiyon. . . . nguni't 
sa katunayan, ang relihiyon ay maaaring makapaggabay sa siyensiya 
sa pamamagitan ng pagdaragdag ng Kapahayagan sa mga pangkarani- 
wang paraan ng siyensiya, na mayroong mga naipakitang pangungusap 
sa Qur'an pagkatapos ng maraming dantaon na kinalaunan ay balidong 
nagpapatunay na ang kaalaman sa Qur'an ay galing sa Diyos." 

3) Si Dr. E. Marshall Johnson ay Professor Emeritus (retiradong 
Professor nguni't taglay pa rin ang titulo) ng Anatomiya at Biyolohiya 
Hinggil sa Paglaki (Anatomy and Developmental Biology) sa Thomas 
Jefferson, Philadelphia, Pennsylvania, USA. Doon, sa loob ng 22 taon 
siya ay Professor ng Anatomiya, Tagapangulo ng Departamento ng 
Anatomiya (Anatomy and Chairman of the Department of Anatomy), 
at direktor sa Daniel Baugh Institute. Siya rin ay Presidente ng Samahan 
ng Teratolohiyo (Teratology Society). Siya ay nag-akda ng mahigit na 
200 babasahin. Noong 1981, sa panahon ng Ika-7 Komperensiya Ukol 
sa Paggagamot (Seventh Medical Conference) sa Dammam, Saudi Ara- 
bia, si Professor Johnson ay nagsabi sa paghaharap ng kanyang sinulat 
-^r (sinaliksik): 

"Kabuuran: Ang Qur'an ay hindi lamang naglarawan sa paglaki 
ng panlabas na anyo (ng bilig), bagkus nagbigay-diin sa mga panloob 
na yugto, yugto sa loob ng bilig, hinggil sa kanyang pagkakalikha at 
paglaki, nagbibigay-diin sa mga mahahalagang pangyayari na kinilala 
ng kasalukuyang siyensiya." 

Gayon din sinabi niya, "Bilang isang siyentipiko, puwede lamang 
akong magpanukala sa mga bagay na tiyak kong nakikita. Nauunawan 
ko ang bilig at ang Biyolohiya tungkol sa paglaki (embryology at de- 
velopmental biology). Nauunawan ko ang mga salitang naisalin sa akin 
mula sa Qur'an. Tulad ng ibinigay kong halimbawa noon, kung maga- 
gawa kong mamuhay sa panahong iyon (sa panahon ni Muhammad) 
matapos kong malaman ang mga bagay na napag-alaman ko ngayon, 
hindi ko mailalarawan ang mga kaalamang ito. Wala akong nakikitang 
katibayan upang salungatin ang konsepto ng taong ito, at sabihin na si 
Muhammad ay gumagawa ng mga impormasyon mula sa ilang lugar. 
Kaya't wala akong nakikitang salungat sa pananaw na may kinalaman 
ang Diyos sa mga bagay na kanyang isinulat." 1 



1 Si Propeta Muhammad H ay isang mangmang. Siya'y di-makabasa't makasulat nguni't idinikta 
niya ang Qur'an sa kanyang mga Kasamahan at iniutos sa ilan na isulat ito. 




30 





H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur'an 



4) Si Dr. William W. Hay ay isang kilalang siyentipiko ng kara- 
gatan (Marine Scientist). Siya ay Professor ng Siyensiya ng Geolohiya 
(Geological Sciences) sa Unibersidad ng Colorado, Boulder, Colorado, 
USA. Dati siyang Dekano ng Paaralang Pangkaragatan ng Rosenstiel at 
Siyensiyang Pang-atmospera (Rosenstiel School of Marine and Atmos- 
pheric Science) sa Unibersidad ng Miami, Miami, Florida, USA. Pag- 
katapos makipagtalakay kay Professor Hay hinggil sa mga nabanggit sa 
Qur'an na mga katotohanan kamakailan lamang natuklasan, sinabi niya: 

"Natagpuan kong nakahihikayat na ang impormasyong ito ay nasa 
lumang kasulatan ng Banal na Qur'an, at wala akong paraang alamin 
kung saan sila nanggaling, nguni't sa aking palagay, lubhang nakaaakit 
na sila'y naroroon at ang gawaing ito ay patuloy upang sila ay mat- 
agpuan, ang kahulugan ng ilang mga bahaging sipi." At nang siya'y 
tanungin hinggil sa pinagmulan ng Qur'an, siya ay sumagot: 

"Sa aking palagay, ito ay gating sa Diyos." 

5) Si Dr. Gerald C. Goeringer ay Direktor ng Korso at Kasamang 
Professor Ukol sa Panggagamot sa Bilig sa Departamento ng Biyolohiya 
ng Selule, Paaralan ng Medisina (Course Director and Associate Profes- 
sor of Medical Embryology at the Department of Cell Biology, School of 
Medicine), sa Unibersidad ng Georgetown, Washington, DC, USA. 
Noong panahon nang Ika-8 Komperensiya sa Saudi Ukol sa Paggagamot 
(Eight Saudi Medical Conference ) sa Riyadh, Saudi Arabia, si Professor 
Goeringer ay nagsabi sa paghaharap ng kanyang nasaliksik: 

"Sa iilang mga aayah (taludtod ng Qur'an) ay mayroong malawak 
na nilalaman sa paglalarawan hinggil sa paglaki ng bilig sa Simula nito sa 
pamamagitan ng organogenesis (simula ng organo (bilig)). Walang nata- 
tangi at kompletong talaan sa paglaki ng bilig tulad ng pagbubukod-bu- 
kod, terminolohiya, paglalarawan na dating umiiral. Sa karamihan, kung 
hindi sa lahat ng pagkakataon, ang talaan sa paglalarawan (sa Qur'an) 
hinggil sa iba't ibang yugto ng bilig ng tao sa kanyang unang paglaki (sa 
sinapupunan ng ina) ay higit na nauna nang maraming dantaon kaysa sa 
talaan ng pangkaraniwang talaan ng siyensiya." 

6) Si Dr. Yoshihide Kozai ay isang Professor Emeritus sa Unib- 
ersidad ng Tokyo, Hongo, Tokyo, Japan, at dati siyang direktor ng Pam- 
bansang Obserbatoryo sa Astronomiya (National Astonomical Observa- 
tory), sa Mitaka, Tokyo, Japan, Sinabi niya: 

"Ako'y lubos na humanga sa mga natuklasan ko sa Qur'an hing- 
gil sa mga katotohanan sa Astronomiya at tayo bilang makabagong 
Astronomiyo ay nag-aaral lamang ng maliit na bahagi ng Sandaigdigan. 
Lubos nating inuubos ang ating panahon sa pag-aaral sa napakaliit na 




H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur'an 



31 1 



bagay. Dahil sa paggamit ng mga teleskopyo, nakikita natin ang maliliit 
na mga bahagi ng kalangitan na hindi nagsasaalang-alang sa kabuuan ng 
sandaigdigan. Kaya't sa pamamagitan ng pagbasa sa Qur'an at sa pag- 
sagot sa mga katanungan, sa aking palagay, matatagpuan ko ang aking 
daan sa hinaharap na pagsisiyasat sa sandaigdigan." 

7) Si Professor Tejatat Tejasen ay Tagapangulo sa Departamento 
ng Anatomiya (Chairman of the Department of Anatomy), sa Uniber si- 
dad ng Chiang Mai, Thailand. Dati siyang Dekano ng mga Tagaturo 
ng Medisina sa naturang Unibersidad. Sa panahon nang Ika-8 Komper- 
ensiya sa Saudi Ukol sa Paggagamot (Eight Saudi Medical Conference) 
sa Riyadh, Saudi Arabia, si Professor Tajasen ay tumayo at nagsabi: 

"Sa huling nakaraang tatlong taon, ako'y naging interesado sa 
Qur'an. ... Mula sa aking pag-aaral at sa mga natutuhan ko sa Komperen- 
siyang ito, ako ay naniniwala na ang lahat ng nakatala sa Qur'an noong 
nakaraang labing-apat na daang taon ay mga katotohanan na maaaring 
mapatunayan sa pamamagitan ng siyensiya. Dahil si Muhammad S ay 
di-makabasa't makasulat, si Muhammad ay isang Sugo na nagdala ng 
katotohanang ito, na ipinahayag sa kanya bilang paliwanag ng Nag- 
iisang karapat-dapat na Tagapaglikha. Ang Tagapaglikhang ito ay tiyak 
na ang Diyos. Sa gayong dahilan, sa aking palagay ito na ang panahon 
upang magsabi ng La ilaha ilia Allah - [Walang diyos na karapat-da- 
pat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Allah (Diyos)], Muhammad 
rasoolu Allah, - (si Muhammad ay Sugo ng Allah). Sa huli, binabati ko 
ang mahusay at matagumpay na pagsasaayos ng Komperensiyang ito. . .. 
Nakamtan ko hindi lamang ang pananaw ng siyensiya at pananaw ng 
relihiyon bagkus pati na ang makapulong ang maraming kilalang mga 
siyentipiko at magkaroon ng mga bagong kaibigan mula sa mga dumalo. 
At ang pinakamahalagang nakamtan ko sa pagpunta sa lugar na ito ay 
ang La ilaha ilia Allah, Muhmmad rasoolu Allah, at ang maging isang 
Muslim." 

Pagkatapos ng lahat ng mga halimbawa, na ating nakita sa mga 
himalang makasiyensiya sa Banal na Qur'an at ang lahat ng mga komen- 
taryo ng mga siyentipiko, tanungin natin ang ating mga sarili: 

• Nagkataon lamang ba ang lahat ng natuklasang impormasyong ma- 
kasiyensiya mula sa iba't ibang mga larangang nabanggit sa Qur'an 
na naipayahag noong nakaraang labing-apat na dantaon? 

• Maaari kayang iakda ni Muhammad o ng ibang tao ang Qur'an? 

Ang maaari lamang posibleng kasagutan ay, ang Qur'an ay letra- 
por-letrang salita ng Allah na Kanyang ipahayag. 





(2) Ang Matinding Hamon na Lumikha ng Isang Kabanata na Katulad ng mga Kabanata sa Banal na Qur'an 




(2) Ang Matinding Hamon na Lumikha 
ng Isang Kabanata na Katulad ng 
mga Kabanata sa Banal na Qur'an 

Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ At kung kayo ay may pag-aalinlangan hinggil sa 
Aming ipinahayag (ang Qur'an) sa Aming alipin 
(Muhammad [saws]), magkagayo'y maglahad (kayo) 
ng katulad na kabanata, at tawagin ang inyong mga 
saksi (mga tagatangkilik at mga katulong) maliban sa 
Allah kung kayo nga ay mga matatapat. At kung hindi 
ninyo magagawa, at katiyakang kailanma'y hindi ninyo 
magagawa, samakatuwid matakot sa Apoy (Impiyerno) 
na ang panggatong ay mga tao at mga bato na inihanda 
para sa di-sumasampalataya. At ibigay ang magandang 
balita (O Muhammad) sa mga sumasampalataya at 
gumagawa ng mga kabutihan, na sasakanila ang mga 
halamanan (Paraiso) na sa ilalim nito ay may dumadaloy 
na mga batis... ) (Qur'an, 2:23-25) 



Mula pa nang naipahayag ang Qur'an, labing-apat na dantaon ang 
nakaraan, ay walang sinupaman ang nakapaglikha ng isang kabanata 
na katulad ng mga kabanata na nasa Qur'an hinggil sa kanilang kagan- 
dahan, kahusayan, kaluwalhatian, matalinong pagbabatas, wastong im- 
pormasyon, katotohanang hula at iba pang wastong katangian. Itala rin 
na ang pinakamaliit na kabanata sa Qur'an (Kabanata 108) ay binibuo 



ft 

* 
* 

* 



¥ A 














<^ 




'Aj»dC>\ 



i 



^ %££*> 4ffi>- J ZS£- 4££> -^^ "Sfi^ **** ■ >=*v /a\ sjpy >sax x^jv >»sx >sax /a\ /a\ /a\ /av xaj^V 
\>y W/ Vf/ \y/ w/ \v/ vier xy/ W/ ^^ >Bfcr V^ Wir \w ^^w www/ 



Ang pinakamaliit na Kabanata sa Qur'an (Kabanata 108), subali't walang 
sinuman ang nakatugon sa hamon na lumikha ng kabanata na katulad sa mga 
kabanata ng Qur'an. 




(3) Mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdatingni Muhammad S, ang Propeta ng Islam 



33J 



lamang ng sampling mga salita, gayunpaman, ay walang sinuman ang 
nakatugon sa hamon, noon pa man at ngayon. 1 Ilan sa mga di-sumasa- 
mpalataya na mga Arabo na kaaway ni Propeta Muhammad ft ay nag- 
sikap na tugunan ang hamon upang mapatunayan na si Muhammad ft 
ay hindi tunay na propeta, nguni't sila'y nangabigo. 2 Ang pagkabigong 
ito sa kabila ng katotohanang naipahayag ang Qur'an sa kanilang saril- 
ing wika at salita at ang mga Arabo sa panahon ni Muhammad ft ay 
mga taong mahuhusay magsalita at kumatha ng mga magaganda at ma- 
huhusay na mga tula, ay binabasa at tinatangkilik pa rin ngayon. 

(3) Mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdating 
ni Muhammad S, ang Propeta ng Islam 



JOHN 



/a.vWi**'"' 



l|U' u 







Ang mga hula hinggil sa pagdating ni 
Propeta Muhammad ft ay mga katibayan 
sa katotohanan ng Islam para sa mga taong 
naniniwala sa Bibliya. , 

Sa Deuteronomy 18, Sinabi ni Moi- 
ses na ang Diyos ay nagsabi sa kanya: 

"Magsusugo Ako ng isang propeta mula 
sa kanilang mga kapatid; Ilalagay Ko ang Aking Salita s a 

kanyang bibig, at kanyang sasalitain ang lahat ng Aking ipag-uutos. 
Kung sinuman ang hindi makikinig sa Aking mga Salita na sasalitain 
ng propeta sa Aking Pangalan, Ako mismo ang tatawag sa kanya 
upang managot." (Deuteonomy 18:18-19) 3 

Mula sa mga taludtod na ito ay aming ipinapasiya na ang propetang 
isinugo sa hulang ito ay may ganitong tatlong katangian: 

1) Na siya ay Propetang katulad ni Moises 

2) Na siya ay nagmula sa mga kapatid ng mga Israelita, (ang mga Ismaelita). 

3) Na ilalagay ng Diyos ang Kanyang Salita sa bibig ng Propetang ito at kan- 
yang ipahahayag kung ano ang ipinag-uutos sa kanya ng Diyos. 

Ating susuriin ang tatlong katangiang ito sa lalong malalim (na 
pag-aaral). 




1 Tingnan ang Al-Borhanfee Oloom Al-Qur'an, (Al-Borhan fee Oloom Al-Qur'an), Al-Zarkashy, 
vol. 2, p. 224. 

2 Tingnan ang Al-Borhanfee Oloom Al-Qur'an (Al-Borhan fee Oloom Al-Qur'an), Al-Zarkashy, 
vol. 2, p. 226. 

3 Ang mga taludtod ng Bibliya sa aklat na ito ay hango mula sa 'Ang Bagong Pandaigdigang 
Bersiyon ng Pag-aaral sa Bibliya', (The NIV Study Bible, New International Version). 




(3) Mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdatingni Muhammad S, ang Propeta ng Islam 





1) Ang Propetang katulad ni Moises: 

Mahirap makatagpo ng dalawang propeta na halos magkatulad gaya 
nila Moises at Muhammad (mapasakanila nawa ang kapayapaan at pag- 
papala ng Allah). Kapwa silang binigyan ng malawakang batas at pama- 
maraan ng buhay. Kapwa nakibaka sa kanilang mga kaaway at himalang 
nagtagumpay. Kapwa silang tinanggap bilang mga propeta at estadista 
(bihasa sa paghawak ng gobyerno). Kapwa silang nandayuhan pagkatapos 
magkaroon ng pakana na sila'y patayin. Ang mga pagkakatulad sa pagitan 
ni Moises at Hesus sa mga nabanggit ay di lamang di-katangap-tangap sa 
mga ito bagkus maging pati na rin sa ibang mga mahahalagang bagay. Ka- 
bilang dito ay ang natural na pagkapanganak, ang buhay may pamilya, at 
ang kamatayan ni Moises at Muhammad II, subali't si Hesus ay iba. Bukod 
pa rito, si Hesus ay pininiwalaan ng kanyang mga tagasunod na anak ng 
diyos at hindi lamang bilang isang propeta ng Diyos, na katulad ng panini- 
wala kina Moises at Muhammad ft, gaya ng paniniwala ng mga Muslim 
kay Hesus (bilang isang propeta). Kaya't, ang hula na ito ay tumutukoy 
kay Muhammad ft at hindi kay Hesus, dahil si Muhammad ft ay higit na 
katulad ni Moises kaysa kay Hesus. 

Gayon din, sinuman ay makapapansin sa Ebanghelyo ni Juan na ang 
mga Hudyo ay naghihintay sa katuparan ng tatlong mga natatanging hula. 
Ang una, ang pagdating ng "Kristo". Ang Pangalawa, ang pagdating ni 
"Elijah", at ang Pangatlo, ay ang pagdating ng "Propeta". Ito ay mali- 
wanag mula sa tatlong katanungan na itinanong kay Juan Bautista: "Ito 
ang patotoo ni Juan, nang ang mga Hudyo sa Herusalem ay nag-utos 
sa mga pari at mga angkan ni Levi (Leviticos) na tanungin kung sino 
siya. Hindi siya nagkulang sa pagpapatotoo bagkus malaya siyang 
nagtapat. "Hindi ako ang Kristo." Tinanong siya, "Kung gayon, 
sino ka? Ikaw ba si Elijah?" Siya ay nagsabi, "Hindi ako". "Ikaw ba 
ang Propeta?" Siya ay sumagot, "Hindi." (Juan 1:19-21- NIV). Kung 
titingnan natin sa Bibliyang mayroong ibang reperensiya, makikita natin 
sa talababa kung saan matatagpuan ang katagang "ang Propeta", ito ay 
nasa Juan 1:21, na ang mga salitang ito ay tumutugon sa mga salita sa hula 
sa Deuteronomy 18:15 at 18:1s. 1 Aming ipinapasiya mula rito na hindi si 
Hesus ang tinutukoy sa nabanggit sa Deuteronomy 18:18. 

2) Mula sa mga kapatid ng mga Israelita: 

Si Abraham ay mayroong dalawang anak na Make, si Ismael at si Isaac 
(Genesis 21). Si Ismael ay siyang naging kanunu-nunuhan ng bansang Arabo, 
at si Ishaq (Isaac) ang siyang naging nuno ng bansang Hudyo. Ang nabanggit 
na propeta ay hindi magmumula sa mga Hudyo, bagkus magmumula sa ka- 
nilang mga kapatid, tulad halimbawa ng mga Ismaelita. Si Muhammad ft na 
nagmula sa angkan ni Ismael, ay katiyakang ang propetang tinutukoy dito. 



1 (Tingnan ang maliliit na talababa sa 'Ang Bagong Pandaigdigang Bersiyon ng Pag-aaral sa 
Bibliya' (The NIV Study Bible, New International Verson), sa taludtod 1:21 p. 1954. 



Gay on din, ang Isaiah 42:1-13 ay nagsasabi tungkol sa alipin ng Diyos, 
ang Kanyang "Pinili" at "Sugo" na magbababa ng batas. "Di siya masisiraan 
ng loob o mawawalan ng pag-asa hanggang kanyang mapairal ang katarun- 
gan sa lupa. Sa kanyang batas ilalagay ng mga isla ang kanilang pag-asa. 
(Isaiah 42:4). Ang taludtod bilang 11, ay nagsasabi na hinihintay ang sugo 
mula sa angkan ni Kedar. Sino ba si Kedar? Sang-ayon sa Genesis 25:13, si 
Kedar ay pangalawang anak na lalaki ni Ismael, ang angkang pinagmulan ni 
Propeta Muhammad ft. 

3) Ilalagay ng Diyos ang Kanyang Salita sa Bibig ng Propetang ito: 

Ang mga salita ng Diyos (ang banal na Qur'an) ay totoong nailagay sa 
bibig ni Muhammad ft. Isinugo ng Diyos ang anghel Gabriel upang turuan si 
Muhammad (Muhammad ft ng eksaktong mga salita ng Diyos, ang (Banal 
na Qur'an) at iniutos sa kanya na sabihin sa mga tao na katulad ng kanyang 
narinig. Samakatuwid, ang mga salita ay hindi galing sa kanya. Hindi sila 
nagbuhat sa kanyang sariling isipan, subali't iniligay ng anghel Gabriel sa 
kanyang bibig. Sa panahon ni Muhammad ft at sa kanyang pagsubaybay, 
ang mga salitang ito ay naisaulo at naisulat ng kanyang mga Kasamahan. 

Pansinin ang sinabi ng Diyos, pagkatapos ng hula sa Deuteronomy 
18:18, "Kung sinuman ang hindi makikinig sa Aking mga Salita na 
sasalitain ng propeta sa Aking Pangalan, Ako mismo ang tatawag sa 
kanya upang managot." Deuteronomy 18:19 - NIV) Ito ay nanganga- 
hulugan na sinuman ang naniniwala sa Bibliya ay kailangang maniwala sa 
kung ano ang sinabi ng propeta (Moises), at ang propeta na tinutukoy ay 
walang iba kundi si Muhammad ft. 

(Para sa mga karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang 
www.islam-guide.com/mib hinggil kay Muhammad ft sa Bibliya.) 

(4) Ang mga Taludtod sa Qur'an na Bumabanggit 
sa mga Pangyayari sa Hinaharap na Nagkatotoo 

Isa sa mga halimbawang pangyayari na iniulat sa Qur'an ay ang 
pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Persiyano sa loob ng 3 hang- 
gang 9 na taon pagkatapos matalo ng mga Persiyano ang mga Romano. 
Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ Ang mga Romano ay natalo sa malapit na lupain (sa 
Tangway [Peninsula] ng Arabia), at pagkatapos ng 
kanilang pagkatalo, sila ay magwawagi pagkaraan ng 
tatlo hanggang siyam na taon.... ) (Qur'an, 30:2-4) 

Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng kasaysayan tungkol sa dig- 
maang ito. Ang aklat na pinamagatang 'Kasaysayan ng Bansang Byzan- 





(5) Mga Himala na Ginawa ni Propeta Muhammad S 





tino' (History of the Byzantine State) ay nagsabi na ang mga Romanong 
kawal ay nalupig nang lubusan sa Antioch noong 613 A.D., at bunga 
nito, ang mga Persiyano ay nagpatuloy sa iba't ibang mga labanan. 1 Sa 
panahong iyon, mahirap isipin na tatalunin ng mga Romano ang mga Per- 
siyano, subali't ang Qur'an ay nagsabi na magwawagi ang mga Romano 
pagkatapos ng tatlo hanggang siyam na taon. Noong 622 A.D., siyam na 
taon pagkaraang matalo ang mga Romano, ang dalawang hukbo (mga Ro- 
mano at Persiyano) ay nagharap muli sa lupain ng Armenia, at ang resulta 
ay matagumpay na pagkapanalo ng mga Romano laban sa mga Persiyano 
sa unang pagkakataon pagkatapos ng pagkatalo nila noong 613. 2 Ang hula 
ay natupad tulad ng sinabi ng Allah sa Qur'an. 

Mayroon din ibang mga talata sa Qur'an at salawikain ni Propeta 
Muhammad §§ na nagsasabi ng mga pangyayari sa hinaharap na nagka- 
totoo. 

(5) Mga Himala na Ginawa ni 
Propeta Muhammad H 

Maraming mga himalang ginawa si Propeta Muhammad ft sa 
pamamagitan ng pahintulot ng Allah. Ang mga himalang ito ay nasak- 
sihan ng maraming tao. Halimbawa: 

■ Nang ang mga di-sumasampalataya sa Makkah ay nagsabi kay Pro- 
peta Muhammad ft na magpakita ng isang himala, ipinakita niya 
ang pagkabiyak ng buwan. 3 

■ Ang pagdaloy ng tubig sa mga daliri ni Propeta Muhammad ft 
nang nauhaw ang kanyang mga kasamahan at walang tubig mali- 
ban lamang sa kakaunting tubig sa sisidlan. Pumunta sila sa kanya 
at nagsabi na walang tubig para magamit sa paghuhugas o inumin. 
Kaya't inilagay ni Muhammad ft ang kanyang kamay sa sisidlan 
at ang tubig ay nagsimulang tumulo mula sa kanyang mga daliri. 
Kaya't sila'y uminom at naghugas. Ang kanilang bilang ay isang 
libo at limang daan. 4 

Marami pang iba't ibang himalang ginawa niya o nangyari sa 
kanya. 



kasaysayan ng Bansang Byzantino {History of the Byzantine State), Ostrogorsky, p. 95 

2 Kasaysayan ng Byzantino, Bansak Ostrogorsky, pahina bilang 95, mga pahina bilang 100-101, 
at Kasaysayan ng Persia, Sykes, vol. 3 mga pahina 483-484. Gayon din ang Encyclopaedia 
Britannica, Micropaedia Vol. 4 p. 1036. 

3 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #3637, at sa Saheeh Muslim, #2802. 

4 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #3676, at sa Saheeh Muslim, #1856. 



(6) Ang Simpleng Buhay ni Muhammad 

Kung ating ihahambing ang buhay ni Muhammad ft bago dumating 
ang kanyang misyon bilang isang propeta at ang kanyang buhay pagkata- 
pos niyang nagsimula sa kanyang misyon bilang propeta, ating maipapasi- 
ya na ito'y lagpas sa katwiran na isiping si Muhammad S ay isang bulaang 
propeta, na umangkin ng pagkapropeta upang makamit lamang ang mga 
materyal, katanyagan, kadakilaan o kapangyarihan. 

Bago pa ang kanyang misyon bilang propeta, si Muhammad it ay wa- 
lang pag-aalala sa salapi. Bilang matagumpay at kilalang mangangalakal, 
si Muhammad it ay kumikita ng kasiya-siya at maginhawang tubo. Pag- 
katapos ng kanyang misyon bilang propeta at dahil dito, siya ay naging 
hirap sa mga pangangailangan. Upang higit na maliwanag, tunghayan 
natin ang mga sumusunod na salawikain hinggil sa kanyang buhay: 

■ Si Aa'isha, asawa ni Muhammad it, ay nagsabi, "O aking pamangkin, 
makikita natin ang tatlong bagong buwan sa loob ng dalawang buwan 
na hindi man lang nakapagpadingas ng apoy (nakapagluto ng pag- 
kain) sa bahay ng Propeta it. Ang kanyang pamangkin ay nagtanong, 
"O aking tiya, ano ang inyong kinakain? Sinabi niya, "Ang dalawang 
maiitim na bagay, mga Tamar at tubig, subali't ang Propeta it ay may 
mga kapitbahay na mga Ansar na may mga inahing kamelyo na gina- 
gatasan at nakaugalian nilang magbigay ng gatas sa Propeta it- 1 

■ Si Sahl Ibn Sa'ad, isa sa mga kasamahan ni Muhammad it ay nagsabi, 
ang Propeta ng Allah, ay di-nakakita ng tinapay na gawa mula sa 
pinong harina Simula nang siya'y isugo ng Allah (bilang propeta) 
hanggang siya'y mamatay." 2 

■ Si Amr Ibn Al-Hareth, isa sa mga kasamahan ni Muhammad #i ay 
nagsabi nang mamatay ang Propeta it, siya'y hindi nakaiwan ng 
salapi o anupamang bagay maliban sa isang puting mola, armas at 
isang lupa para sa kawanggawa. 3 

Si Muhammad it ay namuhay na mahirap hanggang sa kanyang 
kamatayan, bagama't ang kayamanan ng mga Muslim ay nasa kanyang 
kapangyarihan at kapasiyahan, ang pinakamalaking bahagi ng Tangway 
ng Arabia ay mga Muslim bago siya namatay, at ang mga Muslim ay 
mapanagumpay pagkatapos ng labingwalong taon ng kanyang misyon. 

Posible kayang inangkin ni Muhammad it ang pagkapropeta upang 
makamtan lamang ang mataas na kalagayan, kadakilaan, o kapangyarihan? 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2972, at sa Saheeh Al-Bukhari, #567. 

2 Iniulat sa Saheh Al-Bukhari #5413, at Al-Tirmizi, #2364. 

3 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #2739 at sa Mosnad Ahmad, #17990. 





(6) Ang Simpleng Buhay ni Muhammad 





Ang pagnanais na matamasa ang mataas na kalagayan at kapangyarihan 
ay pangkaraniwang nasasamahan ng marangyang pagkain, magagarang 
mga damit, malalaking palasyo, mga guwardiya at di-matutulang kapang- 
yarihan. Ang mga palatandaan bang ito ay makikita kay Muhammad it? 
Ang ilang maikling sulyap sa kanyang buhay ay maaaring makatulong sa 
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan. 

Sa kabila ng kanyang mga tungkulin bilang propeta, maestro, es- 
tadista, at hukom, si Muhammad it ay karaniwang naggagatas ng kan- 
yang kambing 1 , inaayos (nililinis) ang kanyang mga damit, inaayos ang 
kanyang sapatos 2 , tumutulong sa gawaing pambahay 3 , at binibisita ang 
mga taong mahihirap kung sila ay may mga sakit. 4 Tumulong din siya sa 
kanyang mga kasamahan sa paghukay ng bambang sa pamamagitan ng 
paghakot ng buhangin. 5 Ang kanyang buhay ay isang kahanga-hangang 
modelo sa pagkasimple at pagkamababang-loob. 

Minamahal si Muhammad it ng kanyang mga tagasunod, nirerespeto 
at pinagkakatiwalaan nang lubos. Gay on man, lagi niyang idinidiin na ang 
pagsamba ay kailangang iukol lamang sa Allah at hindi sa kanya. Si Anas, 
isa sa mga kasamahan ni Muhammad it, ay nagsabi na walang ibang tao 
ang minamahal nila nang higit kay Propeta Muhammad it, gay on pa man, 
kapag siya ay pumupunta sa kanila, hindi sila tumatayo dahil siya'y naga- 
galit kapag sila ay tumatayo para sa kanya, tulad ng ginagawa ng ibang tao 
sa kanilang mga malalaking panauhin. 6 

Bago pa man ang inaasahang tagumpay ng Islam at sa Simula pa 
lamang ng mahabang panahon ng matinding pasakit at labis na pagpapa- 
hirap, pagdurusa, at pagmamalupit kay Muhammad it at sa kanyang mga 
kasamahan, nakatanggap na siya ng kawili- wiling alok. Ang sugo ng mga 
pinunong pagano na si Otba, ay pumaroon sa kanya at nagsabi, "...Kung 
gusto mo ng salapi, lilikom kami ng salapi para sa iyo upang ikaw ay mag- 
ing pinakamayaman sa amin. Kung gusto mong maging pinuno, tatanghalin 
ka namin bilang aming pinuno at kailanma'y hindi kami magpapasiya na 
wala ang iyong pahintulot. Kung gusto mo ng kaharian, ay gagawin ka 
namin bilang aming hari.. . ." Isang pagpapahinuhod lamang ang kailangan 
kay Muhammad it bilang kapalit ng mga ito, na kanyang iwanan ang pag- 
tawag sa mga tao sa Islam at sa pagsamba sa Nag-iisang Allah na walang 
katambal. Hindi ba ang alok na ito ay nakatutukso sa isang naghahanap ng 
makamundong pakinabang? 



1 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #25662. 

2 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #676, at sa Mosnad Ahmand, #25517. 

3 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari #676, at sa Mosnad Ahmad, #23706. 

4 Iniulat sa Mowatta' Malek, #531 

5 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #3034, at sa Saheeh Muslim, #1803, at sa Mosnad Ahmad, #18017. 

6 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #12117, at sa Al-Tirmizi, #2754. 




(6) Ang Simpleng Buhay ni Muhammad 



39| 



Nag-aatubili ba si Muhammad it nang gawin ang alok? Tinanggihan 
ba niya bilang isang estratihiya sa pakipagtawaran upang buksan ang pinto 
para sa higit pang mabuting alok? Ang sumusunod ay kanyang kasagutan: 
{Sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain} At 

kanyang binigkas kay Otba ang mga taludtod ng Qur'an 41: 1-38. l Ang 
mga sumusunod ay ilan sa mga taludtod: 



Ang kapahayagan mula sa (Allah), ang 
Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain; ang Aklat 
na kung saan ang mga taludtod ay naipaliwang nang 
detalye; ang Qur'an sa Arabik, para sa mga taong 
maalam, nagbibigay ng magandang balita at babala, 
subali't marami sa kanila ang tumalikod, kaya't hindi 
sila nakinig. ) (Qur'an, 41:2-4) 



Sa ibang okasyon at bilang sagot sa pakiusap ng kanyang tiyuhin na 
itigil na niya ang pagtawag sa mga tao sa Islam, ang sagot ni Muhammad it 
ay matatag at matapat: {Sumusumpa ako sa Ngalan ng Allah, O aking tiyo! 
Kung ilagay man nila ang araw sa aking kanang kamay at ang buwan 
sa aking kaliwang kamay para iwanan ko ang bagay na ito (pagtawag sa 
mga tao sa Islam), kailanma'y hindi ako titigil hangang gawing matagum- 
pay ng Allah o ako ay mamamtay sa pagtatanggol dito. 2 

Si Muhammad it at ang kanyang mga tagasunod ay hindi lamang 
nagdusa sa kalupitan sa loob ng tatlumpong taon, bagkus ang mga di-suma- 
sampalataya ay makailang ulit pang nagtangkang patayin siya (Muhammad 
it). Sa isang pagkakataon, kanilang sinubok na siya ay patayin sa pamam- 
agitan ng pagbagsak sa kanyang ulo ng isang malaking bato. 3 Sa iba namang 
pagkakataon ay sinubok nilang patayin siya sa pamamagitan ng paglalagay 
ng lason sa kanyang pagkain. 4 Ano ang maibibigay na katwiran sa ganitong 
uri ng buhay na pagdurusa at sakripisyo kahit na siya ay lubos nang nag- 
tagumpay sa kanyang mga katunggali? Ano ang paliwanag sa kababaang- 
loob at kabanalan na kanyang ipinakita sa mariringal na sandali ng kanyang 
buhay, sa sandali na kanyang iginiit na ang tagumpay ay tanging nagmumula 
lamang sa Allah at hindi sa kanyang katalinuhan? Ito ba ang pag-uugali ng 
isang gutom sa kapangyarihan o isang makasariling tao? 




1 Al Serah Al-Nabaweyyah, Ibn Hesham, vol, 1, pp. 293-294. 

2 Al Serah Al-Nabaweyyah, Ibn Hesham, vol, 1, pp. 265-266. 

3 Al Serah Al-Nabaweyyah, Ibn Hesham, vol, 1, pp. 265-266. 

4 Iniulat saAl-Daremey, #68, at sa Abu-Dawood, #4510. 



40 < 



(7) Ang Pambihirang Pag-unlad ng Islam 





(7) Ang Pambihirang Pag-unlad ng Islam 

Sa katapusan ng kabanatang ito, naaangkop na turulin ang 
mahahalagang palatandaan sa katotohanan ng Islam. Kilalang-kilala sa 
Estados Unidos na ang Islam ay siyang pinakamabilis na lumalaking 
relihiyon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagsubaybay sa 
pangyayaring ito: 

■ "Ang Islam ay siyang pinakamabilis na lumalaking relihiyon 
sa Amerika, ang patnubay at haligi para sa katatagan ng marami 
nating tao..." (Hillary Rodham Clinton, Los Angeles Times). 1 

■ "Ang mga Moslem ang grupong pinakamabilis na lumalaki...' 
(The Population Reference Bureau, USA Today). 2 

■ '...Ang Islam ay ang relihiyong pinakamabilis na lumalaki sa 
bansa." (Geraldine Baum; Newsday, Religion Writer, Newsday). 3 

■ "Ang Islam ang pinakamabilis na lumalaking relihiyon sa Estados 
Unidos. . ."(Ari L. Godman, New York Times). 4 

Ang pangyayaring ito ay palatandaan na ang Islam ay tunay na 
relihiyong mula sa Diyos. Hindi makatwirang isipin na napakaraming 
mga Amerikano at mga tao sa iba't ibang bansa ang pumasok sa 
Islam na hindi nagbibigay ng maingat at malalim na pag-iisip bago 
magpasiya na ang Islam ay katotohanan. Ang mga balik-Islam na ito 
ay mula sa iba't ibang bansa, uri, lahi, at baitang ng buhay. Kasama rito 
ang mga siyentipiko, professor, pilosopo, peryodista, pulitiko, artista, 
at mga atleta. 

Ang mga kadahilanang nabanggit sa kabanatang ito ay bumuo 
lamang ng ilang katibayang nagpapatotoo sa paniniwala na ang Qur'an 
ay literal na Salita ng Diyos, na si Muhammad it ay tunay na Propetang 
isinugo ng Diyos at ang Islam ay tunay na relihiyon mula sa Diyos. 



1 Larry B. Stammer, Times Religion Writer, "Gumawa ng Paraan ang Unang Ginang para sa mga 
Muslim," (First Lady Breaks Ground With Muslims), Los Angeles Times, Edisyong Pambahay, 
Punong-Distrito, Parteng B, May 31, 1996, p. 3). 

2 Timothy Kenny, "Sa iba mang dako ng Daigdig," (Elsewhere in the World), Ang USA Ngayon, 
Hilling Edisyon, Bahagi ng Balita, February 17, 1989, p. 4A. 

3 Geraldine Baum, "Para sa Pag-ibig ng Allah," (For Love of Allah), Newsday, Nassau and Suffok 
Edition, Part II, March 7,1989, p. 4. 

4 Ari L. Godman, "Ang Umiiral na Kalakaran sa Islam ay Agad Pinasok ng mga Maiitim na 
Amerikano," (Mainstream Islam Rapidly Embraced by Black Americans), New York Times, 
Panghuling Edisyon ng Huling Lungsod, February 21, 1989, p. 1.) 




(1) Ang Pintuan Patungo sa Walang-Hanggang Paraiso 




KABANATA 2 



1 ILAN SA M6A PAKINAB ANG SA 


1 tSi UiliS 1 



Ang Islam ay nagbibigay ng maraming pakinabang sa tao at 
lipunan. Ang kabanatang ito ay bumabanggit ng ilang mga pakinabang 
na makakamit ng tao sa pamamagitan ng Islam. 

(1) Ang Pintuan Patungo sa Walang- 
Hanggang Paraiso 

Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ At ibigay ang magandang balita (O Muhammad) sa 
mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, na 
sasakanila ang mga Halamanan (sa Paraiso) na sa ilalim 
nito ay may dumadaloy na mga batis... ) (Qur'an, 2:25) 



Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ Mag-unahan sa isa't isa tungo sa kapatawaran 
ng inyong Panginoon at sa Paraiso na ang lawak ay 
kasinlawak ng langit at lupa na inihanda para sa mga 

sumasampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo....) 
(Qur'an, 57:21) 

Sinabi ng Propeta ft sa amin na ang pinakamababang uri ng kala- 
gayan ng isang maninirahan sa Paraiso ay magkakaroon makasampung 
ulit na katulad ng mundong ito. 1 At siya ay magkakaroon ng alinman 
sa kanyang iibigin ng makasampung ulit na katulad noon. 2 Gayon din, 
sinabi ni Propeta Muhammad ft: {Ang lugar sa Paraiso na kasinlaki 
ng talampakan ay higit na mabuti kaysa mundo at sa nilalaman 
nito}. 3 Sinabi rin niya: {Sa Paraiso may mga bagay na wala pang ma- 
tang nakakita, wala pang taingang nakarinig at wala pang isip ng tao 
ang nakaunawa}. 4 Sinabi rin niya: {Ang pinakaabang tao sa mundo 
na nakatakda sa Paraiso ay sandaling ilalagay sa Paraiso. Pagkata- 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #186, at sa Saheeh Al-Bukhari, #6571 

2 Iniulat sa Saheeh Muslim, #188, at sa Mosnad Ahmad, #10832. 

3 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #6568, at sa Mosnad Ahmad, #13368. 

4 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2825, at sa Mosnad Ahmad, #8609. 






(2) Kaligtasan Mula sa Impiyerno 




pos siya ay tatanungin, "Anak ni Adam, ikaw ba ay nakaranas ng 
anumang karukhaan. Nakaranas ka ba ng kahirapan? Sasabihin 
niya, "Hindi po Diyos ko, O aking Panginoon, kailanman ay hindi 
ako nakaranas ng anumang karukhaan at kailanma'y hindi ako 
nakaranans ng anumang kahirapan."}. 1 

Kung ikaw ay papasok sa Paraiso, ikaw ay mamumuhay nang 
maligayang-maligaya na walang karamdaman, sakit, paghihirap, 
kalungkutan, o kamatayan. Ang Allah ay masisiyahan sa iyo at ikaw ay 
mabubuhay doon nang walang hanggan. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 




Subali't yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga 
kabutihan, Amin silang papapasukin sa Halamanan 
(sa Paraiso) na kung saan umaagos sa ilalim nito ang 
mga batis, mananahan doon nang walang-hanggan... ) 
(Qur'an, 4:57) 

(2) Kaligtasan Mula sa Impiyerno 

Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ Katotohanan yaong tumalikod at namatay na di- 
nananampalataya, hindi kailanman tatanggapin sa isa 
sa kanila maging ang daigdig na puno ng ginto kahit 
na ialok pa niya itong pantubos. Mapapasakanila 
ang napakasakit na parusa at wala silang magiging 
tagatulong (upang mapagaan ang kanilang parusa. ) 
(Qur'an, 3:91) 

Kaya't, ang buhay na ito ang tanging pagkakataon upang 
makamit ang Paraiso at maiwasan ang Impiyerno, sapagka't sinuman 
ang mamatay sa di-paniniwala, hindi na siya magkakaroon pa ng 
pagkakataong bumalik sa mundo upang maniwala. Gaya ng sinabi ng 
Allah sa Qur'an hinggil sa mangy ay ari para sa mga di-sumasampalataya 
sa Araw ng Paghuhukom: 

{ At kung makikita mo lamang kung papano sila 
titindig sa harap ng Apoy (Impiyerno), sila'y magsasabi, 
"Kung kami ay ibabalik lamang, hindi namin 
pasisinungalingan ang mga Ayat (taludtod, talata, 
tanda) ng aming Panginoon, at kami ay sasama sa mga 
sumasampalataya!" ) (Qur'an, 6:27) 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2807, at sa Mosnad Ahmad, #12699. 




(3) Kaligtasan Mula sa Impiyerno 




Nguni't walang sinuman ang magkakaroon pa ng pangalawang 
pagkakataon. 

Si Propeta Muhammad M ay nagsabi: {Ang pinakamaligayang tao 
sa mundo na nakatakda sa Apoy (Impiyerno) sa Araw ng Paghuhukom 
ay sandaling ilalagay sa Apoy. Pagkatapos siya ay tatanungin, "Anak ni 
Adam, ikaw ba'y nakakita na ng anumang kabutihan? Ikaw ba ay naka- 
ranas na ng anumang biyaya? Siya ay magsasabi: "Hindi po Allah, O 
Panginoon!"} 1 

(3) Kaligtasan Mula sa Impiyerno 

Ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ay 
matatagpuan sa pamamagitan ng pagsuko sa 
mga kautusan ng Manlilikha at Tagapanustos 
ng Mundo. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 



Katotohanan, sa pag-alaala sa 
Allah ay matatagpuan ng puso ang 

kapayapaan. ) (Qur'an, 12:28) 



Sa kabilang dako, ang sinumang 
tumalikod sa Qur'an ay magkakaroon ng 
mahirap na buhay dito sa Mundo. Sinabi ng 
Allah: 




Sinuman ang tumalikod sa Qur'an, 2 siya ay 
magkakaroon ng mahirap na buhay, at Amin siyang 
ibabangon na bulag sa Araw ng Paghuhukom. ) 
(Qur'an, 20:124) 

Ito ay nagpapaliwanag kung bakit ilan sa mga tao ay nagpapatiwakal 
samantalang nagtatamasa ng maginhawang buhay na kayang bayaran ng 
salapi. Halimbawa, tingnan si Cat Stevens (siya ngayon ay si Yusuf 
Islam), dati siyang kilala bilang pop singer (mang-aawit) na kung minsan 
ay karaniwang kumikita ng $150,000 sa loob ng isang gabi. Pagkatapos 
niyang magbalik sa Islam, natagpuan niya ang tunay na kaligayahan at 
kapayapaan na hindi niya natagpuan sa makalupang tagumpay. 3 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim #2807, at sa Mosnad Ahmad, #12699. 

2 i.e., di-naniniwala sa Qur'an o sumusunod sa mga tagubilin nito. 

3 Ang kasalukuyang addrress ni Cat Stevens (Yusuf Islam), sakaling nais ninyo siyang tanungin 
tungkol sa kanyang pakiramdam pagkatapos niyang magbalik sa Islam ay: 2 Digswell Street, 
London N7 8JX, United Kingdom. 





(4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Dating Kasalanan 





Upang mabasa ang mga kasaysayan ng mga taong nagbalik sa 
Islam, mangyari lamang na bisitahin ang www.islam-guide.com/stories 
o sumangguni sa aklat na pinamagatang 'Bakit Islam Lamang ang 
Aming Pinili' (Why Islam is Our Only Choice). 1 Sa pahina ng web nito 
at sa pulyetong ito, mababasa ninyo ang mga kaisipan at pakiramdam 
ng mga taong mula sa iba't ibang bansa at may iba't ibang karanasan at 
antas ng edukasyon. 

(4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Dating 

Kasalanan 

Kapag may isang nagbalik-loob sa Islam, pinatatawad ng Allah 
ang lahat ng kanyang mga kasalanan at mga nakaraang masasamang 
gawain. Isang taong nagngangalang Amr ay pumunta kay Propeta 
Muhammad it at nagsabi: "Ibigay mo sa akin ang iyong kanang 
kamay upang ibigay ko sa iyo ang aking katapatang-loob." Iniu- 
nat ng Propeta it ang kanyang kanang kamay, subali't iniurong 
ni Amr ang kanyang kamay. Ang Propeta it ay nagsabi: {Ano ang 
nangyari sa iyo Amr?} Sumagot siya: "Ibig kong maglagay ng 
kondisyon." Ang Propeta it ay nagtanong: {Ano ang kondisyon 
na ibig mong ilagay?) Sinabi ni Amr. "Na patawarin ng Diyos ang 
aking mga kasalanan." Ang Propeta it ay nagsabi: {Hindi mo ba 
nalalaman na ang pagbabalik-loob sa Islam ay nagbubura sa lahat 
ng mga nakaraang kasalanan?} 2 

Pagkatapos na magbalik-loob sa Islam, ang tao ay gagantimpalaan 
sa kanyang mga mabuti at masasamang ginawa sang-ayon sa sinabi ni 
Propeta Muhammad U: {Ang iyong Panginoon, Siyang isang Banal 
at Dakila, ay Pinakamaawain. Sinuman ang magbalak na gumawa 
ng isang mabuting gawa, subali't hindi niya ito ginawa, ang isang 
mabuting gawa ay maitatala para sa kanya. At kung ito ay kanyang 
ginawa, (ang gantimpala nito ay) sampu hanggang pitong daan o 
higit pang marami (para sa mabuting gawa) ang maitatala para 
sa kanya. At sinuman ang magbalak gumawa ng isang masamang 
gawain, subali't hindi niya ito ginawa, isang mabuting gawa ang 
maitatala para sa kanya. At kapag ginawa niya ito, (masamang 
gawa) isang masamang gawa lamang ang maitatala para sa kanya 
o buburahin ito ng Allah.} 3 



1 Ang aklat na ito ay kay Muhammad H. Shahid. Para sa kopya ng pulyetong ito, mangyari lamang na 
bisitahin ang www.islam-guide.com/stories o makipag-ugnay sa samahang nakatala sa pahina 86. 

2 Iniulat sa Saheeh Muslim, #121, at sa Mosnad Ahmad, #17357 '. 

3 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #2515, at sa Saheeh Muslim, #131. 



Ano ang Islam? • Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa Islam 4^ 



KABANATA 3 



TUN6K0L SA ISLAM 



Ano ang Islam? 

Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga 
katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang hilling Propeta 
na si Muhammad it. 

Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa Islam 

1) Paniniwala sa Allah: 

Ang mga Muslim ay naniniwala sa Nag-iisa, walang katulad, di- 
matutularan na Allah, na walang anak o katambal, at walang sinupaman 
ang may karapatang sambahin maliban sa Kanya lamang. Siya ang 
tunay na Diyos, at ang lahat ng diyus-diyusan ay huwad. Siya ang 
nagmamay-ari ng pinakamagaganda at dakilang mga Pangalan bilang 
Kanyang lubos na mga katangian. Inilarawan ng Allah ang Kanyang 
sarili sa Qur'an: 



i Sabihin, "Siya ang Allah, ang Nag-Iisa, Siya ang Allah 
(As-Samad), ang Ganap, (ang tanging inaasahan ng mga 
nilikha sa kanilang mga pangangailangan.) Hindi Siya 
nagkaanak at hindi siya 



ipinanganak, at Siya 

ay walang katulad." ) 
(Qur'an, 112:1-4) 



Walang sinuman ang 
may karapatang panawagan, 
panalanginan, pagdasalan 
o kaya'y pag-ukulan ng 
anumang uri ng pagsamba 
kundi ang Allah lamang. 




HfflBBHfflHHffiSfflfflHH 







ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





. 



Ang Allah lamang ang Makapangyarihan, ang Tagapaglikha, ang 
Hari, at Tagapanustos ng lahat ng Sanlibutan. Siya ang namamahala sa 
lahat ng bagay. Wala Siyang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha, 
at ang lahat ng mga nilikha ay umaasa lamang sa Kanya sa lahat ng 
kanilang mga pangangailangan. Siya ang Lubos na Nakaririnig ng 
lahat, Siya ang Nakakikita ng lahat at Siya ang lubos na Nakaaalam ng 
lahat. Sa ganap na kalagayan, ang Kanyang Kaalaman ay sumasaklaw 
sa lahat ng bagay, ang lantad at lihim, sa publiko at pribado. Alam 
Niya kung ano ang nangyayari, kung ano ang mangyayari, at kung 
papaano ito mangyayari. Walang anumang mangyayari sa buong 
mundo maliban sa Kanyang kapahintulutan. Anuman ang ibigin Niya 
ay mangyayari, at anuman ang hindi Niya ibigin ay di-mangyayari, at 
kailanman ay di-mangyari. Ang Kanyang Kalooban ay nakahihigit sa 
kalooban ng lahat ng nilikha. Siya ay may Kapangyarihan sa lahat ng 
bagay at may kakayahang gawin ang lahat. Siya ang Pinakamahabagin, 
ang Pinakamaawain at Pinakamapagpala. Sa isa sa mga salawikain 
ni Propeta Muhammad it, sinabi sa amin na ang Allah ay higit na 
maawain sa Kanyang mga nilikha kaysa sa isang ina sa kanyang anak. 1 
Ang Allah ay lubhang malayo sa kawalan ng katarungan at pagiging 
malupit. Siya ay lubos na Matalino sa lahat ng Kanyang gawa at pasya. 
Kapag may isang taong may nais sa Allah, maaari siyang manawagan 
nang tuwiran sa Allah na hindi na nangangailangang pang tumawag sa 
iba upang mamagitan sa Allah para sa kanya. 

Ang Allah ay hindi si Hesus o si Hesus ay hindi Diyos. 2 Maging si 
Hesus mismo ay nagtanggi nito. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ Katotohanan, hindi naniwala yaong mga nagsasabi: 
"Ang Allah ay ang Messiah (Hesus), anak ni Maria." 
Nguni't ang Messiah ay nagsabi, "O Angkan ni Israel, 
sambahin ang Allah, ang aking Panginoon at ang inyong 
Panginoon. Sinuman ang maglagay ng katambal (sa 
pagsamba) sa Allah, ay ipagbabawal ng Allah sa kanya 
ang Paraiso at ang kanyang magiging tirahan ay ang 



Iniulat sa Saheeh Muslim #21 5 A, at sa Saheeh Al-Bukihari, #5999. 

Iniulat sa Associated Press, London, noong Junio 25, 1984, karamihan sa mga Obispo ng 
Simbahang Anglican sa pagsisiyasat (survey) sa pamamagitan ng isang programa sa telebisyon 
ay nagsabi: "Ang mga Kristiyano ay hindi pinipilit na maniwala na si Hesus Kristo ay Diyos." 
'Ang pagsisiyasat (poll) na ginanap sa 3 1 mula sa 39 na mga Obispo sa Englaterya.' Ang dagdag 
na ulat ay sinabi na sa 3 1 na mga Obispo, 19 sa mga ito ay nagsabi na sapat nang ituring si Hesus 
bilang "isang mataas na alagad ng Diyos." Ang pagsisiyasat ay ginawa ng London Weekend 
Television, ang lingguhang programa sa relihiyon, "Credo." 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



Apoy (Impiyerno) At sa mga gumagawa ng masama 1 , 
wala silang magiging katulong." ) (Qur'an, 5:72) 

Ang Diyos ay hindi Trinidad. Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

{ Katotohanan, hindi naniwala yaong mga nagsasabi: 
"Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa trinidad)," samantalang 
walang Diyos maliban sa Iisang Ilah (Diyos - ang Allah). 
Kapag hindi sila tumigil sa kanilang sinasabi, tunay na 
kasakit-sakit na kaparusahan ang darating sa mga hindi 
naniniwala sa kanila. Hindi ba sila magsisisi sa Allah at 
hihingi ng Kanyang kapatawaran? Sapagka't ang Allah 
ay Lagi nang Mapagpatawad at Pinakamaawain. Ang 
Messiah (Hesus), anak ni Maria, ay hindi hihigit sa isang 
sugo... > (Qur'an, 5:73-75) 



Tinatanggihan sa Islam na ang Allah ay nagpahinga sa ikapitong 
araw ng paglikha, na Siya ay nakipagbuno sa isa Niyang anghel, na 
Siya ay isang mapanibughuin (mainggitin) na nagbabalak ng masama sa 
sangkatauhan, o kaya Siya'y isang Diyos na nagkatawang-tao (incarnate) 
sa sinuman. Tinatanggihan din sa Islam ang paglalagay ng anumang uri 
ng katangian ng tao sa Diyos. Ang lahat ng mga ito ay maituturing na mga 
paglapastangan sa Allah. Ang Allah ay Dakila. Siya ay lubos na malayo 
sa anumang pagkukulang. Hindi Siya kailanman nababahala. Hindi Siya 
inaantok o kaya'y nangangailangang matulog. 

Ang salitang Arabik na Allah ay nangangahulugan na Diyos (ang Nag- 
Iisa at Tunay na Diyos na lumikha sa buong sanlibutan). Ang salitang Allah 
ay Pangalan ng Diyos, na ginagamit ng mga nagsasalita ng Arabik, kapwa 
mga Muslim at mga Kristiyanong Arabo. Ang salitang ito ay hindi maaaring 
gamitin bilang pantukoy sa sinuman (anupaman) maliban sa Nag-Iisang 
Tunay na Diyos. Ang salitang Arabik na Allah ay makikita sa Qur'an na 
humigit sa 2,150 na ulit. Sa Aramaic, isang wika na malapit sa Arabik at 
wika na nakagawiang gamitin ni Hesus 2 , ang Diyos ay tumutukoy sa Allah. 

2) Paniniwala sa Pagkakaroon ng mga Anghel: 

Ang mga Muslim ay naniniwala sa pagkakaroon ng mga anghel at 
sila ay mararangal na mga nilikha. Ang mga anghel ay sumasamba lamang 
sa Allah, sumusunod sa Kanya, at gumagawa lamang ayon sa Kanyang 
ipinag-uutos. Isa sa mga anghel ay si Gabriel, na nagdala ng Qur'an kay 
Muhammad S. 

1 Kabilang sa mga gumagawa ng masama ay ang mga sumasamba sa mga diyus-diyusan. 

2 Bagong Pandaigdigang Bersiyon, Ang Siksik na Diksiyunaryo ng Bibliya (NIV Compact 
Dictionary of the Bible), Douglas, p.42. 




ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





3) Paniniwala sa mga Aklat na Ipinahayag ng Allah: 

Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Allah ay nagpahayag ng 
mga aklat sa Kanyang mga sugo bilang katibayan sa sangkatauhan 
at bilang patnubay sa kanila. Isa sa mga aklat na ito ay ang Qur'an, 
na ipinahayag kay Propeta Muhammad it. Siniguro ng Allah ang 
pagkalinga sa Qur'an mula sa anumang katiwalian o kabaluktutan. 
Sinabi ng Allah: 

{ Katotohanan, Kami, Kami ang nagpahayag ng Dhikr 
(Ang Qur'an), at katiyakan Amin itong pangangalagaan 
(mula sa anumang katiwalian). ) (Qur'an, 15:9) 



4) Paniniwala sa mga Propeta at Sugo ng Allah: 

Ang mga Muslim ay naniniwala sa mga propeta at sugo ng Allah, 
Simula kay Adan (Adam), kasama sila Noah (Nuh), Abraham (Ibrahim), 
Ismael (Ishmael), Isaac (Ishaq), Jacob (Yakub), Moises (Musa), at 
Jesus (Issa) (mapasakanila nawa ang kapayapaan). Datapwa't ang 
pangwakas na mensahe sa tao, ang muling pagpapatotoo sa walang- 
hanggang mensahe, ay ipinahayag kay Propeta Muhammad #|. Ang 
mga Muslim ay naniniwala na si Muhammad it, ay huling propetang 
isinugo ng Allah, gaya sa sinabi ng Allah: 

{ Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong 
mga kalalakihan, subali't siya ay Sugo ng Allah at ang 
pinakahuli sa mga propeta. ) (Qur'an, 33:40) 



Ang mga Muslim ay naniniwala na ang lahat ng mga propeta at 
mga sugo ay mga nilikhang tao na walang taglay na pagkadiyos. 

5) Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom: 

Ang mga Muslim ay naniniwala sa Araw ng Paghuhukom (Araw 
ng Muling Pagkabuhay) na ang lahat ng mga tao ay mabubuhay muli 
para sa paghuhukom ng Allah sang-ayon sa kanilang mga paniniwala 
at mga gawa. 

6) Paniniwala sa Al-Qadar (Tadhana): 

Ang mga Muslim ay naniniwala sa Al-Qadar (tadhana) na itinakda 
ng Allah, subali't ang paniniwala sa tadhana ay di-nangangahulugan na 
walang kalayaan ang mga tao. Bagkus, ang mga Muslim ay naniniwala 
na binigyan ng Allah ang tao ng kalayang pumili. Ito ay nangangahulugan 
na malaya silang pumili sa tama (mabuti) o mali (masama) at sila'y 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




Mayroon ban 



>ang Banal (Kasulatan) na Pinagkukunan Maliban sa Qur'an? 
Mga Halimbawa ng mga Salawikain ni Propeta Muhammad M 



49 1 



mananagot sa kanilang mga pinili. 

Ang paniniwala sa Banal na Tadhana na itinakda ng Allah ay 
napaloloob sa apat na bagay: (1) Na alam ng Allah ang lahat ng mga bagay. 
Alam niya ang nangyayari at ang mangyayari. (2) Itinala ng Allah ang lahat 
ng mga nangyari at lahat ng mga mangyayari. (3) Anuman ang ibig ng Allah 
na mangy ari ay mangyayari at anuman ang hindi Niya ibig na mangyari ay 
hindi mangyayari. (4) Ang Allah ang Siyang lumikha ng lahat. 

(Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/beliefs 
para sa karagdagang impormasyon sa mga Islamikong paniniwala.) 

Mayroon bang Ibang Banal (Kasulatan) na 
Pinagkukunan Maliban sa Qur'an? 

Oo mayroon. Ang Sunnah (ang mga sinabi, ginawa at binigyan 
ng pahintulot ni Propeta Muhammad it) ay ang siyang pangalawang 
pinagkukunan ng Islam. Ang Sunnah ay binubuo ng mga Hadeeth, mga 
mapagkakatiwalaang ulat ng mga Kasamahan ni Propeta Muhammad it, 
kung ano ang kanyang sinabi, ginawa o pinahintulutan. Ang paniniwala 
sa Sunnah ay isa sa pangunahing paniniwala. 

Mga Halimbawa ng mga Salawikain 
ni Propeta Muhammad H 

■ {Ang mga mananampalataya, sa kanilang pagmamahal, awa at 
kabutihan para sa isa't isa ay katulad ng isang katawan: kapag ang 
anumang bahagi (ng katawan) ay may karamdaman, ang buong 
katawan ay karamay sa kanyang kawalan ng tulog at karamdaman.} 1 

■ {Ang pinakamatuwid sa mga sumasampalataya sa kanyang paniniwala 
ay yaong may pinakamabuting asal. At ang pinakamagaling sa kanila 
ay yaong pinakamahusay sa kanilang mga asawa.) 2 

■ {Hindi naniniwala (ng lubos) ang isa sa inyo hanggang hindi niya 
minamahal ang kanyang kapatid tulad ng pagmamahal niya sa 
kanyang sarili} 3 

■ {Ang maawain ay binibigyan ng awa ng Pinakamaawain. Magpakita ng 
awa sa mga nasa lupa at ang Allah ay magpapakita ng awa sa iyo.} 4 

■ {Ang pagngiti sa iyong kapatid ay isang kawang-gawa.} 5 

■ Ang mabuting salita ay isang kawang-gawa.} 6 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2586, at sa Saheeh Al-Bukhari, #601 1. 

2 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #7354, at sa Al-Tirmizi, #1 162. 

3 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, 13 at sa Saheeh Muslim #45. 

4 Iniulat sa Al-Tirmizi, #1924, at sa Abu-Daw ood, #4941. 

5 Iniulat sa Tirmizi, #1956.) 

6 Iniulat sa Saheeh Muslim, #1009, at sa Saheeh Al-Bukhari, 2989. 




Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw (ang Araw ng 
Paghuhukom) ay kailangang gumawa ng mabuti sa kanyang kapit- 
bahay.} 7 

{Hindi ka huhusgahan ng Allah ayon sa iyong anyo at kayamanan, 
subali't Kanyang titingnan ang iyong puso at ang iyong gawa.} 8 

Bayaran ang sahod ng manggagawa bago matuyo ang kanyang 
pawis.} 9 

Isang tao ang naglalakad sa isang daan ang nakaramdam ng matinding 
uhaw. Nang marating niya ang isang balon, siya ay bumaba roon, 
uminom ng sapat at pagkatapos ay umakyat. Pagkatapos, nakita 
niya ang isang asong nakalaylay ang dila na nagdidildil ng basang 
putik upang mapawi ang uhaw nito. Ang tao ay nagsabi, "Ang 
asong ito ay nakadarama ng uhaw na katulad sa aking naramdaman 
(noon)." Kaya siya ay bumaba muli sa balon at pinuno ng tubig ang 
kanyang sapatos at saka ibinigay sa aso upang painumin. Kaya't, 
ang Allah ay nagpasalamat sa kanya at pinatawad ang kanyang mga 
kasalanan.} Tinanong ang Propeta it, "Oh! Sugo ng Allah, tayo ba'y 
gagantimpalaan sa pagiging maawain sa mga hayop?" Sinabi niya: 
{Mayroong nakalaang gantimpala para sa kabutihan sa bawa't hayop 
o tao.} 10 




Ano ang Sinasabi ng Islam 
Hinggil sa Araw ng Paghuhukom? 

Tulad ng mga Kristiyano, ang mga Muslim ay naniniwala na ang 
kasalukuyang buhay ay isang pagsubok lamang para sa paghahanda sa 
susunod na buhay. Ang buhay na ito ay isang pagsubok sa bawa't tao 
para sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Darating ang araw na ang 
buong sanlibutan ay masisira at ang mga nangamatay ay bubuhaying 
muli para sa paghuhukom ng Allah. Ang araw na ito ay siyang simula 
ng buhay na walang hanggan. Ang araw na ito ay ang Araw ng 
Paghuhukom. Sa araw na yaon, ang lahat ng tao ay gagantimpalaan ng 
Allah ayon sa kanilang paniniwala at mga gawa. Yaong mga namatay 
habang nananampalataya na "Walang ibang tunay na Diyos maliban 
sa Allah, at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Allah" at sila ay 
mga Muslim ay magagantimpalaan sa araw na yaon at papapasukin sa 
Paraiso magpakailanman, gaya sa sinabi ng Allah: 



7 Iniulat sa Saheeh Muslim, #48 at Saheeh Al-Bukhari, 6019 

8 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2564. 

9 Iniulat sa Ibn Majah. #2443. 

10 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2244 at sa Saheeh Al-Bukhari, #2466. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa Araw ng Paghuhukom? 5 



At yaong mga sumasampalataya at gumawa ng 
kabutihan, sila ang mga maninirahan sa Paraiso, sila ay 
mananahan doon magpakailanman. ) (Qur'an, 2:82) 



Subali't, yaong mga namatay na di- sumasampalataya na "Walang 
ibang tunay na Diyos maliban sa Allah, at si Muhammad ay Sugo 
(Propeta) ng Allah" o kaya'y hindi Muslim ay mawawalan ng Paraiso 
magpakailanman at papupuntahin sa Impiyerno, gaya ng sinabi ng Allah: 



At sinuman ang maghangad ng relihiyon maliban sa 
Islam, hindi ito tatanggapin sa kanya at siya ay magiging 
isa sa mga talunan sa Kabilang Buhay. ) (Qur'an, 3:85) 

At gaya ng sinabi Niya: 



Katotohanan yaong tumalikod at namatay na di- 
nananampalataya, hindi kailanman tatanggapin sa isa 
sa kanila maging ang daigdig na puno ng ginto kahit 
na ialok pa niya itong pantubos. Mapapasakanila 
ang napakasakit na parusa at wala silang magiging 
tagatulong (upang mapagaan ang kanilang parusa. ) 
(Qur'an, 3:91) 

Maaaring magtanong ang isang tao, 'Sa aking palagay ang Islam 
ay isang mabuting relihiyon, subali't kung yayakapin ko ito, ang aking 
pamilya, mga kaibigan at ang iba pang mga tao, ay magmamalupit sa 
akin at pagtatawanan ako. Kaya't, kung hindi ako magbabalik-Islam, 
makapapasok kaya ako sa Paraiso o maliligtas kaya ako mula sa 
Impiyerno?' 

Ang kasagutan ay kung ano ang sinabi ng Allah sa naunang 
taludtod, "Kung sinuman ang maghangad ng relihiyon maliban sa 
Islam, hindi ito tatanggapin sa kanya at siya ay magiging isa sa mga 
talunan sa Kabilang Buhay." 

Pagkatapos na isugo si Propeta Muhammad ft upang manawagan sa 
mga tao sa Islam, ang Allah ay hindi na tatanggap ng anumang relihiyon 
maliban sa Islam. Ang Allah ang ating Tagapaglikha at Tagapanustos. 
Nilikha Niya para sa atin ang anumang nasa lupa. Ang lahat ng mga 
biyaya at mainam na bagay ay nagmula sa Kanya. Kaya't pagkatapos 
ng lahat ng mga ito, kapag may isang tumanggi sa paniniwala sa 
Allah, sa Kanyang Propeta na si Muhammad ft o sa Kanyang relihiyon 
na Islam, ay makatwiran lamang na parusahan sa Kabilang-buhay. 
Katunayan, ang pangunahing dahilan ng ating pagkakalikha ay 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





52 



Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao? 




upang sambahin ang Allah nang Nag-iisa at ang sundin Siya, tulad ng 
sinabi ng Allah sa Banal na Qur'an, kabanata 51 talata 56. 

Ang buhay natin sa ngayon ay napakaikli lamang. Ang mga di- 
sumasampalataya sa Araw ng Paghuhukom ay nag-iisip na ang kanilang 
buhay dito sa mundo ay para lamang isang araw o bahagi lamang ng 
isang araw, tulad ng sinabi ng Allah: 

{ Siya (ang Allah) ay magsasabi: "Ilan taon ang iyong 
paninirahan sa lupa?" Sasabihin nila: "Kami ay 
nanirahan ng isang araw o bahagi lamang ng isang 
araw..." > (Qur'an, 23:112-113) 




At sinabi Niya: 

{ Inakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha sa laro 
lamang (na walang makabuluhang layunin) at hindi 
kayo magbabalik sa Amin (sa Kabiling buhay)? Kay a, 
Dakilain ang Allah, ang Tunay na Hari. Walang ibang 
may-karapatang sambahin maliban sa Kanya... ) 
(Qur'an, 23:115-116) 

Ang buhay sa Kabilang Buhay ay tunay na buhay. Hindi lamang 
ito espirituwal bagkus ito ay pisikal (karaniwang katawan) din. 
Tayo'y maninirahan doon na mayroon mga kaluluwa at katawan. 
Sa paghahambing sa mundong ito sa Kabilang-buhay, si Propeta 
Muhammad it ay nagsabi: {Ang halaga ng mundo kung ihambing 
sa Kabilang-buhay ay tulad ng maibabahagi ng iyong daliri kung 
ilalagay sa dagat at pagkatapos ito ay iangat. 1 Ibig sabihin, ang halaga 
nitong mundo kung inihambing sa Kabilang Buhay ay katulad ng ilang 
patak ng tubig kung inihambing sa dagat. 

Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao? 

Madali lamang, sa pamamagitan ng pagbikas nang may katapatan, 
"La ilaha ilia Allah, Muhammadur rasoolu Allah," sinuman ay 
makapapasok sa Islam at magiging Muslim. Ang pangungusap na ito ay 
nangangahulugan na "Walang ibang tunay na Diyos maliban sa Allah 2 
at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Allah." 



1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2858, at sa Mosnad Ahmad, #17560.) 

2 Katulad ng nabanggit sa pahina 47, ang Arabik na salitang Allah ay nangangahulugan na 
Diyos [Ang Nag-iisa at Tunay na Diyos na lumikha sa buong Sanlibutan]. Ang salitang Allah 
ay pangalan ng Diyos, na ginagamit ng mga nagsasalita ng Arabik, kapwa mga Muslim at 
Kristiyanong Arabo. Sa karagdagang detalye hinggil sa salitang Allah, tingnan ang sumunod sa 
huling parapo ng pahina 47. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



Ang unang bahagi, "Walang tunay na diyos maliban sa Allah," ay 
nangangahulugan na walang sinupaman ang may karapatang sambahin 
maliban sa Allah lamang at ang Allah ay walang kasama o anak. Upang 
maging isang Muslim, kinakailangan ding maniwala sa: 

■ Maniwala na ang Banal na Qur'an ay literal na salita ng Allah 
(letra-por-letra) na Kanyang ipinahayag. 

■ Maniwala na ang Araw ng Paghuhukom (ang Araw ng 
Pagkabuhay na Muli) ay totoo at tiyak na darating, gaya ng 
ipinangako ng Allah sa Qur'an. 

■ Tanggapin ang Islam bilang kanyang relihiyon. 

■ Na di-sasamba sa anuman or sinuman maliban sa Allah. 

Si Propeta Muhammad it ay nagsabi: {Ang Allah ay higit na 
masaya sa pagsisisi ng sinuman kung siya'y magbabalik-loob sa Kanya 
na nagsisisi kaysa sa isa sa inyo na nakasakay sa kanyang kamelyo sa 
kaparangan (ilang na pook ng desyerto), at iniwanan siya nito, dala 
ang lahat ng pagkain at inumin at pagkatapos ay nawalan ng pag- 
asang maibalik ito. Siya'y pumaroon sa isang punong kahoy at humiga 
sa lilim nito upang maghintay na lamang (ng kamatayan) dahil wala na 
siyang pag-asa na makitang muli ang kanyang kamelyo. Pagkatapos, 
habang siya'y nasa gayong kalagayan (kawalan ng pag-asa), bigla na 
lamang ito (ang kamelo) ay nasa kanyang harapan! Kaya't kanyang 
kinuha ang tali nito at humiyaw sa katuwaan: "O Allah, ikaw ang 
aking alipin at ako ang iyong panginoon!" Ang kanyang pagkakamali 
ay nagbubuhat sa matinding kagalakan. 1 




Angsalawikaing "Walang tunay na diyos maliban sa Allah, at si Muhammad ay 
Sugo (Propeta) ng Allah," nakaukitsa pintuan 



Iniulat sa Saheeh Muslim, #2747, at sa Saheeh Al-Bukhari, #6309. 




ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 






Ano ang Qur'an? 

Ang Qur'an, ang hilling kapahayagan na salita ng Diyos, ay ang 
pangunahing pinagkukunan ng paniniwala at kaugalian ng bawa't 
Muslim. Ito ay nagtatalakay sa lahat ng 
mga paksa na may kinalaman sa mga 
tao: karunungan, doktrina, pagsamba, 
transaksiyon, batas, atbp., datapwa't 
ang pangunahing aral (katuruan) 
ay ang kaugnayan ng Allah at ng 
Kanyang mga nilikha. Kaalinsabay nito, ito ay 

nagdudulot ng patnubay at maliwanag na katuruan para sa makatwirang 
sambayanan, tamang asal ng tao, at tamang sistema sa ekonomiya. 

Pansinin na ang Qur'an ay naipahayag kay Muhammad it sa 
wikang Arabik lamang. Kaya't, anumang salin nito maging sa Ingles 
o sa anumang wika, ay hindi Qur'an, o kaya'y bersiyon ng Qur'an, 
bagkus salin lamang ng kahulugan ng Qur'an. Ang Qur'an ay totoong 
nasa wikang Arabik lamang. 

Sino si Propeta Muhammad H 

Si Muhammad it ay ipinanganak sa Makkah noong taong 570 
CE. Dahil namatay ang kanyang ama bago pa man siya isilang at 
pagkatapos namatay din ang kanyang ina (nang siya ay anim na taon), 
siya'y inaruga ng kay ang tiyuhin na buhat sa isang iginagalang na 
tribung Quraysh. Siya ay lumaking di-nakapag-aral, di-makabasa't 
makasulat, at nanatili sa ganitong kalagayan hanggang siya'y mamatay. 
Ang kanyang mga kababayan, bago dumating ang kanyang tungkulin 
bilang propeta, ay salat sa karunungan sa siyensiya at karamihan sa 
kanila ay mangmang. Sa kanyang paglaki, siya ay nakilala bilang 
makatotohanan, matapat, mapagkakatiwalaan, mapagbigay at dalisay. 
Siya ay lubos na mapagkakatiwalaan, kaya't, tinawag siya na isang Al- 
Amin - Ang Mapagkakatiwalaan. 1 Si Muhammad it ay maka-Diyos 
at matagal nang napupuot sa pagbaba ng moralidad at idolatriya ng 
kanyang sambayanan. 

Sa edad na apatnapu, si Muhammad it ay unang nakatanggap 
ng kapahayagan mula sa Allah sa pamamagitan ng anghel Gabriel. 
Ang mga kapahayagan ay nagpatuloy na dumarating sa loob ng 
dalawampu't tatlong taon at sama-samang tinawag na Qur'an. 



1 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #15078. 



. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




Ang Masjid (Mosque) ni Propeta Muhammad Sisa Madinah. 

Simula nang magbigkas siya ng Qur'an at ipangaral ang 
katotohanan na ipinahayag sa kanya ng Allah, siya at ang maliit na 
grupong tagasunod niya ay nagdanas ng kalupitan mula sa mga di- 
sumasampalataya. Ang kalupitan ay naging masidhi, kaya noong taong 
622 CE, ang Allah ay nag-utos na sila'y mandayuhan. Ang kanilang 
paglikas patungong Madinah, may mga 260 milya sa gawing norte, ay 
naging simula ng kalendaryong Muslim. 

Pagkatapos ng ilang taon, si Muhammad ft at ang kanyang 
mga tagasunod ay nakabalik sa Makkah, kung saan pinatawad nila 
ang kanilang mga kaaway. Bago namatay si Muhammad ft, sa edad 
na 63, ang kalakhan ng Tangway ng Arabia (lupain ng Arabia) ay 
naging Muslim, at sa loob lamang ng isang daang taon mula nang 
siya'y namatay, ang Islam ay lumaganap hanggang sa Espanya sa 
kanluran at umabot sa silangan ng China. Ang mga dahilan ng mabilis 
at mapayapang paglaganap ng Islam ay ang taglay na katotohanan at 
maliwanag na katuruan. Ang Islam ay nagtatawag ng paniniwala sa 
Iisang Allah lamang, na Siya lamang ang karapat-dapat na sambahin. 

Si Propeta Muhammad ft ay isang ganap na halimbawa ng isang 
matapat, makatarungan, maawain, mapagmahal, makatotohanan at 
matapang na tao. Bagaman isa siyang Make, siya ay malaya sa anumang 
uri ng kasamaan ng pag-uugali at nagpupunyagi para lamang sa Allah at 
sa Kanyang gantimpala sa Kabilang-buhay. Karagdagan pa, sa lahat ng 
kanyang gawain at pakikipag-ugnayan, siya ay lagi nang nagsasaisip sa 
kamalayan at pagkatakot sa Allah. 

(Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/ 
muhammad para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Propeta 
Muhammad ft) 





. 




Papaano Nakaapekto ang Paglaganap ng 
Islam sa Pag-unlad ng Siyensiya? 



Inutusan ng Islam ang tao na gamitin 
ang kapangyarihan ng kanyang talino 
at pagmamasid. Sa loob ng ilang taon \ 
na paglaganap ng Islam, ang mga i 
sibilisasyon at pamantasan ay lumago. \ 
Ang kabuuan ng mga opinyon ng mga 
taga-Silangan at mga taga-Kanluran at 

ang makabago at makaluma, ay nakapagdala ng 
malalaking mga pag-unlad sa 
medisina, matematika, pisika, 
astronomiya, geograpiya, 

arkitektura, arte, literatura, at 
kasaysayan. Maraming mga 
mahahalagang mga sistema, 
kagaya ng algebra, mga numero 
ng Arabik, at ang konsepto sa 
numerong zero (napakahalaga taga- Kanluran 
sa pag-unlad ng matematika), hanggang sa 
ay naibigay sa Europa mula sa rnakabagong 



Ang Astrolabe: 

Isa sa mga 
p i n a k a - 
mahalagang 
kasangkapan 
na ginawa ng 
mga Muslim 
na malimit 
gamitin ng mga 



bansa ng mga Muslim. Maunlad 



panahon. 




i\y^J \jA_C- V JQ, 




b*i& AivAj^^-d) *j ^ij lsjJ \ -jix-ii^ vjya 



t 











<b> & & i^jfjjii^p, (VK— -* 





® -Sfegiii 









Ang mga doktor na mga Muslim ay nagbigay ng lubos na pansin sa 
pag-oopera at gumawa ng maraming mga kasangkapan na pang- 
opera tulad ng nakikita dito sa lumang manuskrito. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




Ano ang Paniniwala ng mga Muslim kay Hesus? 



al 



na mga kasangkapan na nakapagbigay daan sa mga paglalayag ng mga 
taga-Europa sa pagtuklas, kagaya ng astrolabe, quadrant, at mapa para 
sa mabuting paglalayag, ay ginawa rin ng mga Muslim 

Ano ang Paniniwala ng mga Muslim kay 

Hesus? 

Pinagpipitagan at iginagalang ng mga Muslim si Hesus 
(mapasakanya nawa ang kapayapaan). Kanilang itinuring na siya ay 
isa sa mga dakilang sugo ng Allah para sa sangkatauhan. Pinatitibayan 
ng Qur'an ang kanyang kapanganakang birhen (virgin birth), at isang 
kabanata sa Qur'an ay pinamagatan na 'Mary am' (Mary). Inilarawan 
ng Qur'an ang pagkapanganak ni Hesus sa mga sumusod: 



Tandaan) nang ang mga anghel ay nagsabi: "O 
Maria, katotohanan, ang Allah ay nagbibigay sa iyo ng 
magandang balita ng isang salita ("Maging! At nangyari 
nga") mula sa Kanya, ang kanyang pangalan ay Mesiyas 
Issa (Messiah Hesus), anak ni Maria. Pinagpipitagan 
sa mundo at sa Kabilang-buhay, at mabibilang sa 
malalapit (sa Allah). Siya ay magsasalita sa mga tao 
mula sa (kanyang) duyan (kamusmusan) at kagulangan 
at siya ay mabibilang sa (hanay ng mga) matutuwid." 
Sinabi niya (Maria): "O aking Panginoon, papaano ako 
magkakaroon ng anak gayong wala namang Making 
sumaling sa akin?" Siya (anghel) ay nagsabi: "Kahit na! 
Ang Allah ay naglilikha ng anumang Kanyang naisin. 
Kapag itinakda Niya ang isang bagay, sasabihin lamang 
Niya, "Mangyari", at mangyayari nga." ) 
(Qur'an, 3:45-47) 

Si Hesus ay himalang ipinanganak sa pamamagitan ng utos ng Diyos, 
katulad ng pagkakalikha kay Adam na walang ama. Sinabi ng Allah: 



Katotohanan! Ang kahalintulad ni Hesus sa (paningin 
ng) Allah ay tulad ni Adam. Nilikha siya mula sa alabok 
at pagkatapos sinabi Niya sa kanya. "Mangyari", at 
nangyari nga." ) (Qur'an, 3:59) 



Sa panahon ng kanyang pagkapropeta, siya ay gumawa ng maraming 
himala. Sinabi sa atin ng Allah na si Hesus ay nagsabi: 




{ "Ako ay naparito sa inyo na may dalang tanda mula sa 
inyong Panginoon. Gagawa ako para sa inyo ng anyo ng 
isang ibon mula sa putik, hihingaan ko ito, at magiging 
ibon sa pahintulot ng Allah. Aking pagagalingin ang 
ipinanganak na bulag at ang may ketong. At aking 
bubuhayin ang patay sa pahintulot ng Allah. At aking 
sasabihin kung ano ang inyong kakainin at kung ano 
ang inyong itatago sa inyong mga bahay..." 
(Qur'an, 3:49) 



Ang mga Muslim ay naniniwala na si Hesus ay hindi naipako. 
Balak ng mga kaaway ni Hesus na siya'y ipako, nguni't iniligtas siya 
ng Allah at dinala siya sa Kanya (sa langit). Ang imahe ni Hesus ay 
inilagay sa ibang tao. Kinuha ng mga kaaway ni Hesus ang taong ito at 
kanilang ipinako sa pag-aakala na siya'y si Hesus. Sinabi ng Allah: 



( ... Sinabi nila, "Aming napatay ang Messiah Hesus, 
anak ni Maria, ang sugo ng Allah." Hindi nila siya 
napatay, at hindi naipako, datapwa't ipinakita sa 
kanilang ganoon (ang imahe niya ay inilagay sa ibang 
tao at pinatay nila ang taong iyon)... ) (Qur'an, 4:157) 



Maging si Muhammad it o si Hesus ay hindi dumating para 
palitan ang pangunahing doktrina sa paniniwala sa Iisang Diyos, na 




. 



Ang Aqsa 
Mosque sa 
Jerusalem 




ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



dala ng mga naunang propeta, bagkus upang kanilang patotohanan at 
panumbalikin ito. 1 

(Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/jesus 
para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Hesus sa pananaw ng 
Islam.) 

Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa 

Terorismo? 

Ang Islam, bilang relihiyon ng habag, ay hindi nagpapahintulot sa 
terorismo. Ang Allah ay nagsabi sa Qur'an: 



Hindi kayo pinagbabawalan ng Allah na makipag- 
ugnayan nang may katarungan at kabaitan sa mga hindi 
nakikipaglaban sa inyo hinggil sa relihiyon o maging 
yaong nagtataboy sa inyo mula sa inyong mga tahanan. 
Minamahal ng Allah yaong nakikipag-ugnayan nang 
makatarungan. ) (Qur'an, 60:8) 



Lagi nang ipinagbabawal ni Propeta Muhammad it sa kanyang 
mga sundalo na pumatay ng mga babae at mga bata, 2 at pinagpayuhan 
sila {...Huwag kayong magtaksil, huwag magmalabis, huwag patayin 
ang bagong silang na sanggol.} 3 



1 Ang mga Muslim ay naniniwala rin na ang Allah ay nagpahayag ng Banal na Aklat kay Hesus 
na tinawag na Injeel, ang ilang bahagi nito ay maaari pang makita bilang katuruan ng Diyos 
kay Hesus sa Bagong Tipan. Nguni't, ito ay hindi nangangahulugan na ang mga Muslim ay 
naniniwala sa Bibliya na ating hawak sa kasalukuyan sapagka't hindi ito ang orihinal na mga 
kapahayagang ipinahayag ng Diyos. Ang mga ito ay nakaranas ng maraming pagbabago, 
pagdaragdag, at pagbabawas. Ito ay sinabi rin ng Lupon na nakatalaga sa pagsasaayos ng Banal 
na Bibliya - RSV (The Holy Bible [Revised Standard Version). Ang Lupon na ito ay binubuo 
ng 32 na mga pantas na nagsisilbing mga miyembro nito. Kanilang pinagtibay ang pagrerepaso 
at payo ng Lupong Tagapagpayo (Advisory Board) mula sa 50 kinatawan ng mga iba't ibang 
nakikipagtulungang sekta ng relihiyon (Kristiyano). Ang Lupon ay nagsabi sa Paunang Salita ng 
Banal na Bibliya - RSV (The Holy Bible -Revised Standard Version), p. iv, "Kung minsan ang 
texto ay maliwanag na naghirap sa transmisyon, subali't wala ni isa sa mga bersiyon ang naglaan 
ng kaaya-ayang pagwawasto. Ang maaari lamang nating masunod dito ay ang pinakamahusay 
na pagpapasiya ng isang may-kakayahang pantas sa pinakamalapit na pagbubuong-muli 
ng orihinal na texto. Ang Lupon ay nagsabi rin sa Paunang Salita, p. vii, "Mga talibaba ay 
idinagdag, kung saan nagpapakita ng mahahalagang pagkakaiba, pagdaragdag, at pagbabawas 
sa mga lumang sangguniang mapagkakatiwalaan. (Mt 9:34, Mk 3:16; 7.4; Lk 24.32, 51, etc.)." 
Para sa karagdagang impormasyon sa pagbabago ng Bibliya mangyaring bisitahin lamang ang 
www.islam-guide.com/bible. 

2 Iniulat sa Saheeh Muslim, #1744, at sa Saheeh Al-Bukhari, #3015. 

3 Iniulat sa Saheeh Muslim, #1731, at Al-Tirmizi, #1408. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 






Sinabi rin niya: {Sinuman ang pumatay sa isang tao na mayroon 
kasunduan ng kapayapaan sa mga Muslim ay hindi malalanghap 
ang bango ng Paraiso, kahit na ang bango nito ay malalanghap sa 
loob ng apatnapung taon} 1 

Gay on din ay ipinagbawal ni Propeta Muhammad it ang magparusa 
sa pamamagitan ng apoy. 2 

Minsan ay kanyang ibinilang ang pagpatay ng tao bilang pangalawa 
sa mga malalaking kasalanan 3 at siya ay nagbigay pa ng babala na sa 
Araw ng Paghuhukom, {Ang unang kasalanan na huhusgahan sa tao 
sa Araw ng Paghuhukom ay ang pagdanak ng dugo 4 } 5 

Ang mga Muslim ay hinihikayat din na maging mabait sa mga 
hayop at ipinagbabawal sa kanila na saktan ang mga ito. Minsan sinabi 
ni Propeta Muhammad it: {Ang isang babae ay pinarusahan dahil 
kanyang ibinilanggo ang isang pusa hanggang sa ito'y namatay. 
Dahil dito, siya ay parurusahan sa Impiyerno. Habang ang pusa 
ay nakabilanggo, hindi niya ito binigyan ng makakain o maiinom, 
o kaya'y kanyang pinalaya ito upang makakain ng mga insekto sa 
lupa.) 6 

Sinabi rin niya na ang isang Make ay nagbigay ng maiinom sa 
isang asong nauuhaw, kaya't pinatawad ng Allah ang kanyang mga 
kasalanan. Ang Propeta it ay tinanong: "O sugo ng Allah, tayo ba'y 
gagantimpalaan sa pagiging mabait sa mga hayop?" Sinabi niya: 
{Mayroong gantimpalang nakalaan sa kabaitan sa bawa't hayop 
o tao} 7 

Dagdag pa rito, sa pagkitil ng buhay ng isang hayop para sa 
pagkain, ang mga Muslim ay inaatasang gawin lamang ito sa paraang 
maaaring mabawasan ang takot at hirap ng hayop. Sinabi ng Propeta 
Muhammad it: (Kapag ikaw ay papatay ng hayop, gawin mo ito sa 
pinakamahusay na paraan. Kailangan mong ihasa ang kutsilyo na 
gagamitin upang mabawasan ang hirap ng hayop) 8 

Sa pamamagitan ng mga impormasyong dulot nito at ng iba 
pang mga babasahing Islamiko, ang gawaing pagbibigay takot sa 



. 



1 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #3166 at sa Ibn Majah, #2686. 

2 Iniulat sa Abu-Dawood, #2675. 

3 Iniulat sa SaheehAl-Bukhari, #6871 at sa Saheeh Muslim, #88. 

4 Ito ay nangangahulugan ng pagpatay at pagpinsala. 

5 Iniulat sa Saheeh Muslim, #1678, at sa Saheeh Al-Bukhari, #6533. 

6 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2422, at sa Saheeh Al-Bukhari 2365. 

7 Ang salitang ito ni Muhammad M ay nabanggit na may higit na detalye sa pahina 63. Iniulat sa 
Saheeh Muslim, #2244, at sa Saheeh Al-Bukhari, #2466. 

8 Iniulat sa Saheeh Muslim, #1955, at sa Al-Tirmizi, #1409. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



Mga Karapatan ng Tao at Katarungan sa Islam ^ 



puso ng mga mamamayan na walang kakayahang magtanggol sa 
sarili, ang maramihang pagwasak ng mga gusali at mga ariarian, 
ang pagpapasabog at pagbabalda sa mga walang kasalanang mga 
kalalakihan, mga kababaihan, at mga kabataan, ay kasuklam-suklam 
na mga gawain sang-ayon sa Islam at mga Muslim. Sinusunod ng 
mga Muslim ang relihiyon ng kapayapaan, awa at pagpapatawad, at 
ang karamihan (sa kanila) ay walang kinalaman sa mga masamang 
pangyayari na ibinibintang sa mga Muslim. Kapag ang isang Muslim 
ay gagawa ng gawaing terorismo, ang taong ito ay magkakasala ng 
paglabag sa batas ng Islam. 

Mga Karapatan ng Tao at Katarungan sa 

Islam 

Ang Islam ay nagbibigay ng maraming karapatan para sa isang 
tao. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatang pantao na 
pinangangalagaan ng Islam: 

Ang buhay at ari-arian ng lahat ng mamamayan sa Islamikong 
lipunan ay itinuturing na sagrado, maging ang isang tao ay Muslim 
man o hindi. Pinangangalagaan din ng Islam ang dangal ng tao. Kaya't, 
sa Islam ang pag-insulto sa iba o pangungutya sa kanila ay hindi 
pinahihintulutan. Sinabi ng Propeta it: {Katotohanan, ang inyong 
dugo, ari-arian, at dangal ay sagrado.} 1 



O Sangkatauhan, katotohanan Amin kayong nilikha 
mula sa isang Make at isang babae at ginawa kayong 
mga bansa at tribu upang magkakila-kilala (sa isa't 
isa). Katotohanan, ang pinakadakila sa inyo sa Allah ay 
yaong pinakamabuti sa inyo. 2 Tunay, Ang Allah ay lubos 
na Nakababatid, ang Pinakamaalam. ) (Qur'an, 49:13) 



Itinatakwil ng Islam ang ilang mga tao at bansa na itinatangi dahil 
sa kanilang kayamanan, kapangyarihan o lahi. Linikha ng Allah ang 
lahat ng mga tao na pantay-pantay na magiging kaiba lamang sa isa't isa 
sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya at kabanalan. Si Propeta 
Muhammad it ay nagsabi: {O mga tao! Ang inyong Diyos ay Iisa at 
ang inyong ninuno (Adam) ay iisa. Ang Arabo 



1 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #1739, at sa Mosnad Ahmand, #2037. 

2 Ang mabuting tao ay yaong umiiwas sa lahat ng mga kasalanan, gumagawa ng mga kabutihan na 
iniutos sa atin ng Diyos, may takot at pagmamahal sa Diyos. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 





ay hindi nakahihigit sa hindi Arabo at ang hindi Arabo ay hindi 
nakahihigit sa Arabo, at ang mamula-mulang (halimbawa, puting 
mamula-mula) tao ay hindi nakahihigit sa isang maitim na tao at 
ang maitim na tao ay hindi nakakahigit sa taong mamula-mula 1 
maliban lamang sa kabanalan.} 2 

Isa sa mga malaking problemang kinahaharap ng sangkatauhan 
ngayon ay ang racismo (pagtatangi ng lahi 
ng tao). Ang umuunlad na mundo 
ay nakapagpapadala ng tao sa 
buwan subali't hindi niya 
mapigil ang tao na masuklam 
at makipag-away sa kanyang 
kapwa. Simula pa nang 
kapanahunan ni Propeta 
Muhammad H, ang Islam ay 
naghanda na ng maliliwanag 
na halimbawa kung papaano 
mawawakasan ang racismo. 
Ang taunang peregrinasyon 
(Hajj) sa Makkah ay nagpapakita 
ng tunay na Islamikong kapatiran ng 
lahat ng mga lahi at bansa, kung saan ang 

humigit kumulang na dalawang milyong tao mula sa lahat ng dako ng 
mundo ay pumupunta sa Makkah upang magsagawa ng peregrinasyon. 

Ang Islam ay isang relihiyong makatarungan. Sinabi ng Allah: 





. 



{ Katotohanan, ipinag-uutos ng Allah na dapat ninyong 
isauli ang mga ipinagkatiwala sa nagmamay-ari; at 
kapag kayo'y humatol sa tao, humatol kayo nang 
makatarungan ) (Qur'an, 4:58) 

At sinabi Niya: 

{ . . . At maging makatarungan. Katotohanan, minamahal 
ng Allah ang mga makatarungan. ) (Qur'an, 49:9) 



1 Ang kulay na nabanggit sa salawikain ng propeta M ay mga halimbawa. Ang kahulugan nito sa 
Islam ay walang sinuman ang nakahihigit sa isa't isa dahil sa kanyang kulay maging puti, itim, 
pula o kahit na anong kulay. 

2 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #22978 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



Tayo man ay kailangang maging makatarungan sa mga 
kinasusuklaman natin, gaya ng sinabi ng Allah: 



...at huwag hayaang ang poot at galit ng iba ay 
magtulak sa inyo upang talikdan ang katarungan. Maging 
makatarungan: iyan ay malapit sa kabanalan...) 
(Qur'an, 5:8) 

Sinabi ni Propeta Muhammad #|: {Mga tao, mag-ingat sa kawalan 
ng katarungan 1 , dahil ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw 
ng Paghuhukom.} 2 

At sa mga hindi nakakamit ng kanilang mga karapatan (halimbawa, 
ang mga karapatang dapat na mapasakanila) sa buhay na ito ay 
matatanggap ang mga ito sa Araw ng Paghuhukom, gaya ng sinabi ng 
Propeta #|: {Sa Araw ng Paghuhukom, ang karapatan ay ibibigay sa 
may mga karapatan (at ang mga pagkakamali ay maiwawasto)...}. 3 

Ano ang Katayuan ng mga Kababaihan sa 

Islam? 

Ang turing sa isang babae sa Islam, may asawa man o wala ay 
isang taong may sariling karapatan, karapatang 
magkaroon ng mga ari-arian at mamigay o 
mag-ayos ng kanyang ari-rian at mahanap- 
buhay na di-kailangan ng mag-aalaga o i 
magbabantay sa kanya (maging ito man I 
ay ang magulang, asawa o sinupaman). 1 
May karapatan siyang mamili at bumili, 
magbigay ng regalo at kawanggawa, at 
maaari niyang gastusin ang kanyang salapi 
sa paraang ibig niya. Ang dote (bigay-kaya) ay ibinibigay ng Make sa 
babae na kanyang mapapangasawa para sa personal na pangangailangan 
ng babae at ipagpapatuloy niya (ng babae) na gamitin ang kanyang 
apelyido (pangalan ng angkan) sa halip na apelyido ng asawa. 

Hinihimok ng Islam ang Make na pakitunguhan nang mabuti 
ang kanyang asawa, gaya ng sinabi ni Propeta Muhammad it: {Ang 
pinakamabuti sa inyo ay yaong pinakamabuti sa kanyang asawa.} 4 




1 Halimbawa, ang pang-aapi sa iba, pagiging di-makatarungan, o paggawa ng masama sa iba. 

2 Iniulat sa Mosnad Ahamd, #5798) , at sa Saheeh Al-Bukhari, #2447. 

3 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2582, at sa Mosnad Ahmad, #7163). 

4 Iniulat sa Ibn Majah, #1978, at sa Al-Tirmizi, #3895. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 






Ang mga ina sa Islam ay lubos na iginagalang. Itinatagubilin ng Islam 
na pakitunguhan sila sa pinakamahusay na paraan. Isang tao ang 
nagtungo kay Propeta Muhammad it at nagsabi: "Sino sa mga tao ang 
pinakakarapat-dapat sa aking pakikitungo?" Ang Propeta #t ay nagsabi: 
{Ang iyong ina} Ang tao ay nagsabi: "Pagkatapos, sino pa?" Ang 
Propeta ft ay nagsabi: {Pagkatapos, ang iyong ina}. Ang taong iyon 
ay muling nagtanong: "At pagkatapos, sino pa?" Ang Propeta ft ay 
nagsabi: {Pagkatapos, ang iyong ina} Ang tao ay nagtanong na naman 
"Pagkatapos ay sino pa?" Ang Propeta ft ay nagsabi: {Pagkatapos, ang 
iyong ama.} 1 

(Mangy aring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/women 
para sa karagdagang impormasyon.) 

Ang Pamilya sa Islam 

Ang pamilya, bilang pangunahing bahagi ng sibilisasyon, ay 
nabubuwag na sa kasalukuyan. Ang sistema ng pamilya sa Islam ay 
nagbibigay ng mga karapatan sa asawang Make at babae, mga anak, 
at mga kamag-anak upang maging pantay-pantay (na naaangkop 
sa relasyon ng kamag-anakan). Pinalulusog nito ang kaugaliang 
mapagbigay, kagandahang-loob, at pag-ibig sa loob ng maayos na 
sistema ng pamilya. Ang kapayapaan at Seguridad bunga ng matatag 
na pamilya ay lubhang pinahahalagahan, at kinakailangan bilang 
mahalagang sangkap sa pang-espirituwal na pag-unlad ng mga kasapi 
ng pamilya. Ang mapayapang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan 
ng pagkakaroon ng pagbubuklod-buklod ng mga mag-anak at 
pagpapahalaga sa mga anak. 

Papaano Pinakikitunguhan ng mga Muslim 
ang Kanilang mga Matatanda? 

Sa mga bansang Muslim, bihirang makakita ng "bahay para sa 
matatanda." Ang hirap sa pag-aalaga ng magulang sa panahon ng 
kahirapan (katandaan) ng kanilang buhay ay itinuturing na karangalan 
at biyaya at isang pagkakataon para sa dakilang espirituwal na pag- 
unlad. Sa Islam, hindi sapat na ipanalangin lamang ang ating mga 
magulang, kundi, kailangang ipaabot natin sa kanila ang walang-sukat 
na pagmamahal, bilang pag-alaala nang tayo'y wala pang muang na 
mga bata, kanilang inuna ang ating kapakanan kaysa kanilang mga 
sarili. Ang mga ina ay partikular na iginagalang. Kapag ang magulang 



. 



1 Iniulat sa Sake eh Muslim, #2548, at sa Sake eh Al-Bukhari, #5971. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




Ano ang Limang Haligi ng Islam? 



65 1 



ng Muslim ay umabot sa katandaan, sila ay pinakikitunguhan nang may 
awa, kabaitan at pagmamahal. 

Sa Islam, ang paglilingkod sa kanyang mga magulang ay 
pumapangalawa sa pagdarasal, at kanilang karapatang asahan ito. 
Itinuturing na kamuhi-muhi ang magpakita ng pagkayamot, sa mga 
kasalanang hindi nila ninanais, dulot ng hirap sa pagtanda. 

Sinabi ng Allah: 



Ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kang dapat 
na sambahin maliban sa Kanya, at maging mabait 
sa iyong mga magulang. Kapag ang isa sa kanila o 
kapwa silang dalawa ay umabot sa katandaan sa iyong 
buhay, huwang magsalita nang walang paggalang, o 
pagalitan sila, bagkus mangusap sa kanila sa paraang 
marangal. At ibaba sa kanila ang diwa ng kababaang- 
loob sa pamamagitan ng habag, at magsabi, "O aking 
Panginoon, igawad Mo po sa kanila ang Iyong Habag 
sapagka't sila ang nangalaga sa akin noong ako ay maliit 
pa lamang." > (Qur'an, 17:23-24) 



Ano ang Limang Haligi ng Islam? 

Ang Limang Haligi ng Islam ay kabuuan ng buhay ng Muslim. 
Ang mga ito ay ang pagsaksi ng paniniwala, pagdarasal, pagbibigay 
ng Zakat (tulong sa mga nangangailangan o mahihirap), pag-aayuno sa 
buwan ng Ramadan, at peregrinasyon sa Makkah nang minsan sa buhay 
ng isang Muslim na may kakayahang gumanap nito. 

1) Ang Pagsaksi sa Pananampalataya: 

Ang pagsaksi sa pananampalataya ay isang pagbigkas ng "La ilaha 
ilia Allah, Muhammadur rasoolu Allah nang may pananalig. Ang pahayag 
na ito ay nangangahulugan ng, "Walang ibang tunay na Diyos maliban sa 
Allah 1 , at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Allah." Ang unang bahagi, 
"Walang tunay na Diyos maliban sa Allah," ay nangangahulugan na 
walang sinuman ang may karapatan sambahin maliban lamang sa Allah, 
at ang Allah ay walang katambal o anak. Ang pagsasaksing ito ay tinawag 
na Shahada, isang simpleng paraan na kailangang sabihin nang may 
katapatan upang makapasok sa Islam (gaya ng pagkakahulugan sa pahina 
65-66). Ang pagsaksing ito ang pinakamahalaga sa mga haligi ng Islam. 



1 Para sa karagdagang detalye tungkol sa salitang Allah, tingnan ang pahina 47 




66 



Ano ang Limang Haligi ng Islam? 





2) Pagdarasal: 

Ang mga Muslim ay nagsasagawa ng limang beses na pagdarasal sa isang 
araw. Bawa't dasal ay hindi tatagal nang higit sa ilang minuto para maisagawa. 
Ang pagdarasal sa Islam ay isang tuwirang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng 
sumasamba at Allah. Walang tagapamagitan sa Allah at sa sumasamba. 

Sa pagdarasal, ang isang tao ay nakararamdam ng kaligayahan, 
kapayapaan at kaginhawaan, at ang Allah ay nasisiyahan sa kanya. Si Propeta 
Muhammad it ay nagsabi: {Bilal, tawagin ang (mga tao) sa pagdarasal, 
hayaan mong maginhawaan tayo nito.} 1 Si Bilal ay isa sa mga kasamahan 
ni Muhammad it na nakatalaga bilang tagapagtawag ng mga tao sa mga 
pagdarasal. 

Ang mga dasal ay isinasagawa sa madaling araw, tanghaling-tapat, 
hapon, paglubog ng araw, at gabi. Ang isang Muslim ay maaaring magdasal 
kahit saan, gaya ng mga bukiran, opisina, pabrika, o unibersidad. 

(Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/prayer para sa 
karagdagang impormasyon tungkol sa pagdarasal sa Islam.) 2 

3) Pagbibigay ng Zakat (Tulong sa mga 
Nangangailangan o Mahihirap) : 

Ang lahat ng bagay ay pag-aari ng Allah, at ang kayamanan, 
samakatuwid, ay ibinibigay sa mga tao 
bilang tiwala. Ang orihinal na kahulugan 
ng Zakat ay kapwa Tagpadalisay' at 
Tag-unlad'. Ang pagbibigay ng Zakat 
ay nangangahulugan ng pagbibigay ng 
partikular na porsiyento buhat sa isang 
ari-arian para sa napipihong uri ng mga 
nangangailangang tao. Ang porsiyento 
na dapat kunin sa ginto, pilak at salaping 

umabot sa 85 gramo ng ginto at taglay ng magbibigay ng Zakat sa loob 
ng isang taon ay dalawa't kalahating (2 at Vi) porsiyento. Ang ating mga 
ari-arian ay napadadalisay kapag tayo ay naglalaan ng maliit na bahagi 
para sa mga nangangailangan, katulad ng pagpupungos sa mga kahoy, ang 
pagpuputol nito ay nagpapantay sa kanila at nagpapausbong ng panibago 
(na sanga at dahon). 

Ang isang tao ay maaari ring magbigay hanggang nais niya bilang 
kusang-loob na limos o kawang-gawa. 

1 Iniulat sa Abu-Dawood, #4985, at sa Mosnad Ahmad, #22578.) 

2 O kaya ay tingnan ang aklat na pinamagatang 'Gabay sa Pagdarasal sa Islam' (Guide to Prayer 
in Islam), akda ni M.A.K. Saqib. Para sa kopya ay mangyaring bisitahin lamang ang web site 
na nababanggit sa itaas. 





Ano ang Limang Haligi ng Islam? 



si 



4) Pag-aayuno (Fasting) sa Buwan ng Ramadan: 

Taun-taon, tuwing buwan ng Ramadan 1 , ang lahat ng mga Muslim 
ay nag-aayuno Simula sa madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw, 
nangingilin sa pagkain, inumin at pakikipagtalik (sa 
asawa). 

Bagaman ang pag-aayuno ay nakabubuti 
sa kalusugan, ito, higit sa lahat ay itinuturing 
na paraan sa pagpapadalisay ng espirituwal. 
Sa pamamagitan ng pag-iwas ng sarili sa mga 
makamundong kasiyahan, kahit sa maikling 
panahon lamang, ang isang nag-aayuno ay hindi 
lamang nagkakaroon ng tunay na pakikiramay sa 
mga nagugutom bagkus gay on din ay nagkakaroon 
ng pag-uunlad sa kanyang pang-espirituwal na buhay. 

5) Ang Peregrinasyon (Paglalakbay) sa Makkah: 

Ang taunang Peregrinasyon (Hajj) sa Makkah ay isang obligadong 
tungkulin na nararapat gampanan minsan sa buhay ng mga may kakayahan 
sa kalusugan at pananalapi. Dalawang milyong tao ang pumupunta sa 





■M % all*' ' •- ■ * • - - i - 

'i - •' *■ -^iilii ri n t 'A- 



' " if 




B^Ki<>»^^.^ 











Mga Peregrino na nagdarasal sa Haram na Mosque sa Makkah. Sa mosque 
na ito makikita ang Kaaba (ang itim na gusali sa larawan) kungsaan ang mga 
Muslim ay humaharap kapag nagdarasal. Ang Kaaba ay lugar ng pagsamba 
kung saan ipinag-iutos ng Allah kay Propeta Abraham at sa kanyang anak na 
si Ismael na itayo. 

1 Ang buwan ng Ramadan ay ang ikasiyam na buwan sa Islamikong kalendaryo (ito ay Lunar 
(nauukol sa buwan), at hindi Solar (nauukol sa araw). 



At 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 




J 



()Jj Ano ang Limang Haligi ng Islam? 




Makkah taun-taon mula sa lahat ng dako ng Mundo. Bagaman ang 
Makkah ay laging puno ng mga panauhin, ang taunang Peregrinasyon (Hajj) 
ay ginaganap sa ikalabing dalawang buwan ng Islamikong Kalendaryo. 
Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng espesyal na simpleng damit na 
nagtatanggal ng anumang pagkakaiba ng klase at kultura (kalinangan) 
upang ang lahat ay tatayong pantay-pantay sa harap ng Allah. 

Kabilang sa mga ritwal (seremonya) ng Hajj ay ang pag-ikot sa Kaaba 
nang pitong beses at ang pagpunta ng pitong ulit sa pagitan ng mga burol 
ng Safa at Marwa, gay a ng ginawa ni Hagar nang siya ay naghahanap ng 
tubig. Pagkatapos, ang mga Peregrino ay sama-samang tatayo sa Arafa 1 at 
hihiling sa Allah ng anumang kanilang naisin at ng Kanyang Kapatawaran, 
katulad ng karaniwang palagay sa paggugunita sa Araw ng Paghuhukom. 

Ang katapusan ng Hajj ay idinaraos sa pamamagitan ng piyesta, ito ay 
tinatawag na Eid al-Adha, na kung saan ito ay ipinagdiriwang nang may 
mga pagdarasal. Ito (Eid al-Adha) at ang Eid al-Eitr, ang pagdiriwang sa 
pagtatapos ng Ramadan, ay ang dalawang taunang piyesta sa kalendaryo 
ng Muslim. 

(Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/pillars 
para sa karagdagang impormasyon tungkol sa limang haligi ng Islam). 




1 Ang lugar na (Arafa) ay humigit-kumulang 15 milya mula sa Makkah. 



ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 



- 



Para sa Karagdarang Impormasyon Hinggil sa Islam • Para sa mga Mungkahi at Komentaryo sa Aklat na ito 



69 1 



Para sa Karagdarang Impormasyon Hinggil 

sa Islam 

Kung kayo ay mayroong katanungan o komentaryo, 
o para sa kopya ng aklat na ito sa iba't ibang mga wika 
mangyaring bisitahin lamang ang web site ng aklat na 
ito: 

www.islam-guide.com/tg 




Para sa mga Mungkahi at Komentaryo 

sa Aklat na ito 

Kung mayroon kayong mga mungkahi para sa aklat na ito, 
mangyaring ipadala lamang sa may-akda, LA. Ibrahim: 

E-mail: ib-tg@i-g.org • Tel: (966-1) 454-1065 • Fax: (966-1) 
453-6842 • PO Box: 21679, Riyadh 11485, Saudi Arabia 



Mga Reperensiya 

Ahrerns, C. Donald. 1988. Ang Pag-aaral Ngayon Tungkol sa Panahon 
(Meteorology Today) ika-3 ed. St. Paul: West Publishing Company. 

Anderson, Ralph K.; and others. 1978. Ang Paggamit ng mga Larawang 
Kuha ng Satellite sa Pagsusuri at Pagsasabi tungkol sa Lagay ng 
Panahon (The Use of Satellite Pictures in Weather Analysis and 
Forecasting), Pangasiwaan ng Pangmundong Samahan Hinggil sa 
Pag-aaral Tungkol sa Panahon (Geneva: Secretarial of the World 
Meteorological Organization). 

Anthes, Richard A.; John J. Cahir; Alistair B. Fraser; and Hans A. 
Panofsky. 1981. Ang Atmospera (The Atmosphere), ika-3 ed. 
Columbus: Charles E. Merrill Publishing Company. 

Barker, Kenneth; and others. 1985. Ang Pag-aaral sa Bibliya. Bagong 
Pandaigdigang Bersion (The NIV Study Bible, New International 
Version), Grand Rapids, Michigan: Zondervan Publishing House 

Bodin, Svante. 1978. Panahon at Lagay ng Panahon (Weather and 
Climate) Poole, Dorest: Blandford Press Ltd. 

Cailleux, Andre', 1968. Anatomiya ng Daigdig (Anatomy of the Earth), 
London: World University Library. 

Couper, Heather; and Nigel Henbest. 1995. Ang Atlas ng Kalawakan 
( The Space Atlas), London: Dorling Kindersley Limited. 

Davis, Richard A., Jr. 1972. Mga Prinsipyo ng Pag-aaral Tungkol 
sa Karagatan (Principles of Oceanography), Don Mills, Ontario: 
Addison-Wesley Publishing Company. 

Douglas, J. D.; and Merrill C. Tenney. 1989. Siksik na Diksiyunaryo 
ng Bibliya (NIV Compact Dictionary of the Bible) Grand Rapids, 
Michigan: Zondervan Publishing House. 

Elder, Danny; and John Pernetta. 1991. Mga Karagatan (Oceans). 
London: Mitchell Beazley Publishers. 

Famighetti, Robert. 1996. Ang Almanac ng Mundo at Aklat ng mga 
Katotohanan (The World Almanac and Book of Facts), Mahwah, 
New Jersey: World Almanac Books. 

Gross, M. Grant. 1993. Ang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan, Ang 
Larawan ng Daigdig (Oceanography, a View of Earth,). Ika-6 na ed. 
Englewood Cliffs: Prentice-Hall, Inc. 



Hickman, Cleveland P.; and others, 1979. Sama - samang mga 
Prinsipiyo ng Soolohiya (Integrated Principles of Zoology), ika-6 
na ed. St. Louis: The C. V. Mosby Company. 

Al-Hilali, Muhammad T.; and Muhammad M. Khan. 1994. Salin ng 
Kahulugan ng Banal na Qur'an sa Wikang Ingles (Interpretation of 
the Meanings of The Noble Qur'an in the English Language), ika-4 
Isinaayos na ed. Riyadh: Maktaba Dar-us-Salam. 

William Collins Sons & Co., Ltd. 1971. Ang Banal na Bibliya, 
Naglalaman ng Luma at Mga Bagong Tipan (Isinaayos na 
Pamantayan na Bersiyon ( The Holy Bible, Containing the Old and 
New testaments (Revised Standard Version)), New York. 

Ibn Hesham, Abdul-Malek Ang Talambuhay ng Sugo (Serah Al- 
Nabaweyyah), Beirut): Dar El-Marefah 

The Islamic Affairs Department, 1989. Pag-unawa sa Islam at mga 
Muslim (Understanding Islam and the Muslims), Embahada ng 
Saudi Arabia, Washington, DC 

Kuenen, H. 1960. Geolohiya ng Karagatan (Marine Geology), New 
York: John Wiley & Sons, Inc. 

Leeson, C. R.; and T.S. Leeson, 1981. Kasaysayan (Histology), ika-4 na 
ed. Philadelphia: W.B. Saunders Company. 

Ludlam, F.H. 1980. Mga Ulap at Mga Bagyo (Clouds and Storms), 
London: The Pennsylvania State University Press. 

Makky, Ahmad A.; and others. 1993. Ee'jazal-Qur'an al-Kareem fee 
Wasf Anwa'al-Riyah, al-Matar (Ang Ee'jaz al- Qur'an al- (Ee'jaz 
al-Qur'an al-Kareem fee Wasf Anwa'al-Riyah, al-Matar). Makkah: 
Komisyon ng mga Tandang Makasiyensiya sa Qur'an at Sunnah. 
(Commission on Scientific Signs of the Qur'an and Sunnah) 

Miller, Albert; and Jack C. Thompson. 1975. Mga Sangkap ng Pag- 
aaral Tungkol sa Panahon (Elements of Meteorology), Ika-2 ed. 
Columbus: Charles E. Merrill Publishing Company. 

Moore, Keith L.; Marshall Johnson. T. V. N. Persaud; Geral C. 
Goeringer; Abdul-Majeed A. Zindani; and Mustafa Al. Ahmed. 
1992. Ang Lumalaking Tao Ay on sa Pagsasalarawan ng Qur'an 
at Sunnah (Human Development as Described in the Qur'an and 
Sunnah), Makkah: Komisyon ng mga Tandang Makasiyensiya sa 
Qur'an at Sunnah. 



Moore, Keith L.; A.A. Zindani; and others. 1987. Al-E'jazal-Elrny 
fee al-Naseyah (Ang Al-E'jazal-Elmy fee al-Naseyah) Ang mga 
Himalang Makasiyensiya sa Harap ng Ulo, Makkah: Komisyon ng 
mga Tandang Makasiyensiya sa Qur'an at Sunnah. 

Moore, Keith L. 1983. Ang Lumalaking Tao, Nasanay sa Klinika na 
Bilig ng Tao , na may dagdag pang-Islam ( The Developing Human, 
Clinically Oriented Embryology, With Islamic Additions), ika-3 ed. 
Jeddah: Dar Al-Qiblah. 

Moore, Keith L.;and T. V. N. Persaud. 1993. Ang Lumalaking Tao, 
Nasanay sa Klinika na Bilig ng Tao (The Developing Human, 
Clinically Oriented Embryology) ika-5 ed. Philadelphia: W.B. 
saunders Company. 

El-Naggar, Z. R. 1991. Ang Geolohikal na Konsepto ng mga 
Kabundukan sa Qur'an (The Geological Concept of Mountains in 
the Qur'an), ika-1 ed., Herndon: International Institute of Islamic 
Thought. 

Neufeldt, V. 1994. Ang Bagong Webster Diksiyunaryo ng Mundo, 
Neufeldt, V. 1994. (Webster's New World Dictionary). Ikatlong 
Pangkolehiyong ed., New York: Prentice Hall. 

Ang Bagong Encyclopaedia Britannica (The New Encyclopaedia 
Britannica.) 1981, Ika-15 ed., Chicago: Encyclopaedia Britannica, 
Inc. 

Noback, Charles R.: N.L. Strominger; and R.J. Demarest. 1991. Ang 
Sistema ng Nerbiyos, Unang Pagharap at Pagsusuri (The Human 
Nervous System, Introduction and Review), Ika-4 na ed., Phadelphia: 
Lea & Febiger. 

Ostrogorsky, George. 1969. Kasaysayan ng Bansang Byzantine 
(History of the Byzantine State). Ostrogorsky, George. 1969. Salin 
mula sa Wikang Aleman, ni Joan Hussey. Isinaayos na ed., New 
Brunswick: Rutgers University Press. 

Press, Frank; and Raymond Siever. 1982. Daigdig (Earth), Ika-3 ed., 
San Francisco: W.H. Freeman and Company. 

Ross, W.D.; and others. 1963. Ang Mga Gawa ni Aristotle Salin sa 
Wikang Ingles: Ang Pag-aaral Tungkol sa Panahon (The Works 
of Aristotle Translated into English: Meteorologica), Ika-3 Tomo, 
London: Oxford University Press. 



Scorer, Richard; and Harry Wexler. 1063. Ang Makukulay na gabay 
Tungkol sa mga Ulap (A Colour Guide to Clouds), Robert Maxwell. 

Seeds, Michael A. 1981. Ang Kalawakan sa Pag-aaral sa Sanlibutan 
(Horizons Exploring the Universe), Belmont: Wadsworth Publishing 
Company. 

Seeley, Rod R.; Trent D. Stephens; and Philip Tate. 1996. Mga 
Kailangan sa Anatomiyo at Pisyolohiya (Essentials of Anatomy & 
Physiology), Ika-2 ed., St. Louis: Mosby-Year Book, Inc. 

Sykes, Percy. 1963. Ang Kasaysayan ng Persia (History of Persia), Ika- 
3 ed., London: Macmillan & Co, Ltd. 

Tarbuck, Edward J.; and Frederick K. Lutgens. 1982. Ang Siyensiya 
ng Daigdig (Earth Science), Ika-3 ed., Columbus: Charles E. Merrill 
Pubishing Company. 

Thurman, Harold V. 1988. Thurman, Harold V. 1988. Panimulang Pag- 
aaral Tungkol sa Karagatan (Introductory Oceanography), Ika-5 ed., 
Columbus: Merrill Publishing Company. 

Weinberg, Steven. 1984. Ang Unang mga Tatlong Minuto, Ang 
Makabagong Pananaw sa Simula ng Sansinukob (The First Three 
Minutes, A Modern View of the Origin of the Universe), Ika-5 
paglilimbag, New York: Bantam Books. 

Al-Zarkashy, Badr Al-Deen. 1990. Al-Borhan fee Oloom Al-Qur'an 
(Ang Al-Borhan fee Aloom Al-Qur'an), Ika-1 ed., Beirut: Dar El- 
Marefah 

Zindani, A. A Ito Ang Katotohanan (This is the Truth (video tape)), 
Makkah: Komisyon ng mga Tandang Makasiyensiya sa Qur'an at 
Sunnah. 



74 



Ang Paglalagay ng Bilang ng Mga Hadeeth 




Ang Paglalagay ng Bilang ng Mga Hadeeth: 

Ang paglalagay ng bilang ng mga hadeeth 1 sa aklat na ito ay 
ibinatay sa mga sumusunod: 

■ Saheeh Muslim: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ni 

Muhammad F. Abdul-Baqy. 

■ Saheeh Al-Bukhari: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ni Fath 
Al-Bari. 

■ Al-Tirmizi: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ni Ahmad Shaker. 

■ Mosnad Ahmad: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ng Dar 
Ehya' Al-Torath Al-Araby, Beirut. 

■ Mowatta' Malek: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ng 
Mowatta' Malek. 

■ Abu Dawood: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ni Muhammad 
Muhyi Al-Deen Abdul-Hameed. 

■ Ibn Majah: sang-ayon sa paglalagay ng bilang ni Muhammad 
F. Abdul-Baqy. 

■ Al-Daremey: sang-ayon sa paglalagay ng bilang nila KhalidAl- 
Saba Al- Alamy at si Fawwaz Ahmad Zamarly. 



s» «*» m 



1 Ang hadeeth ay isang pinagkakatiwalaang salin na iniulat ng mga Kasamahan ni Propeta 
Muhammad M, kung ano ang kanyang sinabi, ginawa at pinahintulutan.